Pareho mang mabait John Lloyd Cruz, mas madaling lapitan kaysa kay Piolo Pascual

ADVERTISING

Pareho mang mabait John Lloyd Cruz, mas madaling lapitan kaysa kay Piolo Pascual

Pareho mang mabait John Lloyd Cruz, mas madaling lapitan kaysa kay Piolo PascualMAGANDA TALAGA ang samahan ng mga Kapamilya stars, kaya walang kumpetisyon tungkol sa kung sino na ngayon kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang tunay na Hari ng ABS-CBN at Star Cinema, dahil pareho nga silang paboritong panoorin sa mga teleserye at pelikula. Hindi talaga mawawala sa turing na si Piolo ang isa sa pinakasikat na aktor ng Dos. Pero hindi man sinasadya ay talagang si Lloydie ang pinakamabentang aktor ng Kapamilya Network ngayon.

Malaking artista na talaga si John Lloyd, dahil patok lagi ang mga pinagbibidahan niyang teleserye, ganu’n din ang mga pelikula, kaya ilang ulit na siyang naparangalan bilang Box-Office King. Parehong mabait sina Lloydie at Piolo, ang pagkakaiba nga lang, nakakailang lapitan ang kabaitan ni Papa P. dahil parang mahirap siyang abutin. Parang mayroon siyang itinatagong ugali, na sabi ng  ilang beteranang manunulat na malapit kay Kuya Germs (German Moreno) ay ganu’n daw talaga si Piolo kahit nu’ng bagets pa lang siya na kasali sa That’s Entertainment. 

“Sobrang mahiyain si Piolo noon. Para siyang takot sa mga tao. Parang hindi niya alam na guwapo siya,” wika ni Mrs. Veronica Samio.

Kabaligtaran naman ni John Lloyd, na kahit sikat na sikat ay wala lang ang kanyang ugali. Palabiro siya sa mga tao sa kanyang paligid. Kapag magkakilala kayo at hindi mo siya binati ay magugulat ka, dahil si Lloydie mismo ang lalapit sa ‘yo para batiin ka.

ADVERTISING

 

SOBRANG NAPAMAHAL kay DJ Mo Twister si Rhian Ramos, kaya hanggang ngayon ay windang na windang pa rin ang kanyang mundo. Nagsakripisyo din naman kasi siya nang mahabang panahon, na kahit magkarelasyon na sila ng magandang young actress ay pinapalabas pang magkaibigan lang daw sila. Kasi nga, aware siya dati na marami ang tumututol sa kanilang relasyon, lalo pa’t nagsisimula nang sumikat si Rhian, kaya ang dating ni Mo ay kontrabidang makakasira sa career ng dalaga.

Kontrobersiyal ngayon si Rhian, dahil kahit magkahiwalay na si-lang dalawa ni Mo, ay ang tungkol pa rin sa kani-lang pinagdaanang relasyon ang masarap na itanong at pag-usapan. Sumambulat lang kasi ang mga naging gusot nila ni Mo, pero hindi iyon natuldukan, dahil mayroon ngang mga pagta-takip at pag-iwas sa isyu na isinagawa. Umalis ng bansa si Rhian at nagpalamig sa kontrobersiya, na nakatulong naman para siya makapag-isip kung iiwan na niya o babalikan pa ang showbiz.

May career pa talaga si Rhian, kaya pinili niyang magbalik-showbiz. May pelikula siya nga-yon, ang My Kontrabida Girl ng GMA Films. Parang tinik ngayon sa kanyang landas si Mo, dahil kahit nananahimik na siya, pilit pa ring nagpaparamdam ang da-ting TV host sa pamamagitan ng kanyang twitter account at kung anu-anong sinasabing nakakasira sa kanya.  Mahahatulan si Rhian kung gusto pa rin siya ng mga manonood pagkatapos ng iskandalo nila ni Twister, kapag kumita ang kanyang pelikula.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING