Parazzi Exclusive: Diana Zubiri, nanganak na!

Nagsilang ng sanggol si Diana Zubiri noong nakaraang linggo sa Makati Medical Center, ito ang naungkat ng Pinoy Parazzi mula sa isang reliable source.

Ayon sa inpormasyong aming nakalap, ganap na alas-8 ng gabi noong nakaraang Martes, Hunyo 9, nang normal na iiri ng sexy actress ang isang malusog na sanggol na lalaki. Tumitimbang ng 6.3 lbs. ang anak ni Diana na pinangalanang Baby Boy Achilles.

“Baby Boy Achilles ang pansamantalang tawag nina Diana at ng asawa nitong si Alex Lopez sa kanilang panganay dahil daw sa laki ng taglay nitong putotoy,” pagbibida pa ng source.

Matatandaan na nagkaroon ng malaking tanong sa malasadong isip ng mga miron matapos maglahong parang bula ng Bubble Gang comediene, nang makatuwang sa buhay ang kanyang non-showbiz husband na isang mahusay na negosyante.

Nauna nang inilabas ng Pinoy Parazzi ang tungkol sa non-showbiz boyfriend ni Diana Zubiri na hindi naman itinanggi ng seksing aktres, gayundin ang pagbubuntis nito.

Linggo ng gabi nang lumabas sa Makati Medical Center ang pamilya at muling bumalik sa tahanan nila sa Xavierville sa Quezon City.

Hindi pa tiyak kung babalik na agad si Diana sa mundo ng showbiz matapos ang panganganak, at aalamin pa ng aming mole kung kailan ang binyag ni Achilles at kailan ito unang ipakikila sa publiko.

by Parazzi News Service