Parazzi Chikka: Rhian Ramos, aakyat sa Stairway to Heaven

Parazzi Chikka: Rhian Ramos, aakyat sa Stairway to Heaven

Pagka-tapos ng ilang buwan ng pagha-hanap sa masuwerteng babaeng makakapares ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Stairway to Heaven, ibinunyag na ng GMA-7 na si Rhian Ramos na nga ang gaganap na Jodi. Makakasali rin sa nasabing show sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad. Ngayon pa lang, inaasahan na namin na maraming negatibong komento na naman ang lalabas dahil ilang buwan din bulung-bulungan na kay Jennylyn Mercado ibibigay ang markadong papel na ito. May nagsabi rin kamakailan na kinukunsidera rin sina Iza Calzado at Maxene Magalona. Ano kaya ang magiging reaksyon ng fans ng DongYan sa bagong tambalan na ito? May comment din kaya si JC De Vera? Hmmm….

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Click to enlarge.