Parazzi Chikka: Kristine Hermosa, papansin kay Diether Ocampo!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Kristine Hermosa, papansin kay Diether Ocampo!

Sa katatapos lang na 3rd Star Magic Ball sa Shangri-la Hotel, dumalo ang dating mag-asawang Kristine Hermosa at Diether Ocampo. Kasama ni Tin ang rumored boyfriend n’ya ngayong si Oyo Boy Sotto, samantalang si Diether naman ay ka-date ang girlfriend na si Rima Ostwani. Nagbatian naman daw ang dating magkasintahan, pero ang pinagtataka ng ating miron eh kung bakit buntot ng buntot si Tin kay Diether. Kung saan daw pumunta si Diether-Rima ay talagang nakasunod ito, making sure na nakikita s’ya lagi ni Fafa Diether huh! Hindi lang ‘yan, mega sayaw raw na parang loka-loka si Tin-tin sa harapan na kanyang ex-husband. Ibig ba sabihin nito eh hindi pa rin nakaka-get over si Tin kay Diet kaya hindi pa n’ya ma-announce to the whole world na dyowa n’ya si Oyo? Kaloka ha!

ADVERTISING

By Faith Salazar, Photos by Mark Atienza

ADVERTISING