Parazzi Chikka: Cristine Reyes, bagong babae ni Richard!

Parazzi Chikka: Cristine Reyes, bagong babae ni Richard!

Out na nga si Heart Evangelista bilang leading lady ni Richard Gutierrez sa Patient X. Isinugod kasi si Heart sa ospital pagkatapos mag-complain ng stomach ache. ‘Yun pala, malala na ang appendicitis nito kaya inoperahan ito agad. Kinailangan niyang magpahinga ng mahigit isang linggo kaya pati ang shoot ng kanyang seryeng Ngayon at Kailanman ay natigil muna. Hinahabol naman ng mga producers ng Patient X ang target playdate nito kaya kailangan nilang maghanap ng bagong leading lady.

Si Cristine Reyes ang bagong kapareha ni Richard sa pelikula. Buti na lang at co-producer din ng pelikula ang Viva kung saan contract star din ang sexiest pinay. Mukhang bumabawi talaga si Cristine sa panandalian niyang pagkawala sa showbiz. Siya rin kasi ang cover girl ng FHM for September at sinusubaybayan din ng mga Kapamilya ang kanyang Your Song presents Babalik Kang Muli. Paniguradong masaya na naman ang mga adiks d’yan, diba Dennis?!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit, Mark Atienza and Yomen

Parazzi Chikka: Cristine Reyes, bagong babae ni Richard!