Parang nilalandi si John Lloyd Cruz
Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!

ADVERTISING

<i>Parang nilalandi si John Lloyd Cruz</i><br>Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!<i>Parang nilalandi si John Lloyd Cruz</i><br>Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!MAGKAROON KAYA ng part two ang away nina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto?

We’re asking this because it seems that Gretchen lavished John Lloyd Cruz with praises during his guesting sa The Buzz recently. Sobrang puri si La Greta sa actor. From his pananamit to his pagiging mabango ay napuna ni Greta. Inamuy-amoy pa ni Gretchen si Papa Lloydie at sinabing ang bangu-bango nito.

Naging uncomfortable tuloy si Lloydie dahil sa papuri ni La Greta at halatang na-conscious ito nang husto.

Gretchen even had the temerity to ask John Lloyd kung kailan ito magpapahinga and told him to take care.

Ang naging dating tuloy ay parang nilalandi ni Gretchen si Papa Lloydie.

ADVERTISING

Now, what’s interesting is how will Angelica take this act of La Greta? Iisipin ba niyang Gretchen is out to get John Lloyd’s attention?

We remember na nag-away sina Gretchen at Angelica over Derek Ramsay noon.

“Hihintayin ko ‘yung mga kuwento niya. Hihintayin ko ‘yung mga pictures niya… Solo picture ha. Gusto ko ikaw lang. Walang iba,” sabi ni Gretchen noon na ikinairita ni Angelica. Iyon na ang naging simula ng bangayan ng dalawa.

 

<i>Parang nilalandi si John Lloyd Cruz</i><br>Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!KALOKA PALANG mag-celebrate ng birthday itong si Benjamin Alves.

While ordinarily ay nagpapa-party ang may birthday ay ibang klaseng selebrasyon naman ang ginawa ni Benjamin – tumakbo siyang nang tumakbo nang mag-isa.

Sa Guam nag-celebrate ng kanyang birthday ang Kapuso hunk actor.

“I was able to run a marathon by myself. It was a few kilometers, I ran by the beach, one coast to the other coast,” kuwento niya sa birthday presscon and fans’ day niya na ginanap sa isang restaurant.

“It has become a ritual. Before it was just a short span. Mag-isa lang ako. Nakakatuwa,” chika niya.

Noong March 31 ang birthday ni Benjamin at four days niyang nakapiling ang kaniyang pamilya na based sa Guam.

“Para sa akin po I was able to catch up for four days and meet with my family again. My older brother is expecting his first child. We’re all saving for that,” dagdag niyang kuwento.

Tinatapos ni Benjamin ang Sana Dati, isang indie film, and he’s also cast sa soap ng GMA, ang Unforgettable.

Hindi ba siya na-threaten sa pagpasok ni Rocco Nacino sa show?

Benjamin is unperturbed.

“That’s what GMA needed to do so. Hindi naman. No, no. it happens. People come in the show. If it helps the show, it’s okay,” sabi niya.

Hindi naman siya nag-complain kung bakit isinama pa si Rocco gayong complete na ang male cast.

“No, that’s not my job. I trust them. ‘Pag pumasok si Rocco, there will be more conflict. Kailangan ‘yon para ma-sustain ang show.”

Sa ngayon ay hindi nag-e-entertain si Benjamin na lumipat because happy siya bi-lang Kapuso actor.

“Yes, I’m hapy. Hindi po ako nawawalan ng trabaho. I prayed for a movie. Sana ma-experience ko ‘yung sume-segue. Na-experience ko na now and nakakapagod pala. Sabi nga nila, kapag busy ka you don’t have to complain.”

 

BLIND ITEM: Naloka ang staff ng isang store ng mamahaling kama nang maging costumer nila ang isang veteran stand-up comedienne.

When she entered kasi ay pinalipat niya ang radio station na pinatutugtog ng mga sandaling iyon. Nakokornihan kasi siya sa mga joke.

Namili ang comedienne ng kama para sa condo na pauupahan niya. Nang makapili na siya, nag-request kaagad ang hitad na ipa-deliver the next day ang kanyang napiling kama, something that is against the store’s policy. But since kilala siyang celebrity ay pinagbigyan naman ang request niya.

Ang nakakaloka, wala palang dalang cash at credit card ang hitad. Nag-promise lang siya na babalik sa umaga para magbayad using her credit card.

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING