Parang nananadya?
Willie Revillame, ginawang co-host ang mga ex ni P-Noy

ADVERTISING

<i>Parang nananadya? </i><br>Willie Revillame, ginawang co-host ang mga ex ni P-Noy

<i>Parang nananadya? </i><br>Willie Revillame, ginawang co-host ang mga ex ni P-NoyPSSST! POLITIKA, Showbiz, Swarding, Scandal, Tsika! Nakakaloka more chikka, more fun na naman tayo dahil may mga bali-balita nga na itong si Willie Revillame na lilipat daw sa iang network. ‘Eto ang isang katanungan. Aalis na nga ba si Willie Revillame sa TV5 at babalik ng ABS-CBN 2?

Kung ako naman ang tatanungin, pa’no naman eh, ‘di ba ang dami niyang naging kaso du’n. Parang ‘di naman tama ‘yun. At kung ako pa rin ang tatanungin, ‘di naman ganu’n kadali ‘yun. Ano siya, maisipan lang niya? May ganu’ng factor?

At isang pang tanong diyan, tatanggapin pa ba siya ng network? Eh, kung sa GMA naman, mas lalong wala sigurong pag- asa.

Pero nakakaloka naman, dahil sabi sa akin ng isang source na wala naman daw talagang balak lumipat itong si Willie. Magpapalit lang daw ng time slot. At say mo, itatapat sa Eat… Bulaga! at It’s Showtime.

ADVERTISING

‘Eto ang ang mase-say ko d’yan. Nu’ng nasa Dos pa lang siya, ilang beses siyang nag-attempt na tumapat sa Eat… Bulaga! at ilang papalit-palit na title at programming. Eh, hindi pa rin tumagal at walang makatatalo sa noontime show na ‘yun. Tapos ngayon, ‘yun ang naiiisip nila? Naku, mas-yado lang niyang nililito ang mga tao. Kumbaga, para sa mga matatandang mahihirap sa Pilipinas, mahirap na nga, lalo pa niyang pinahihirap.

At heto pa ang nakakwindang na chikka d’yan, hindi kinakaya ng powers ko. Dahil bakit halos lahat ng ex ni Presidente ay nagiging co-host niya? Hindi ko alam kung nanadya ba siya. Una, si Shalani Soledad, na nakakatawa dahil may parang pakilig factor pa sila, pero ang ending, iniwan din naman siya at nagpakasal sa iba. Next, ito namang si Grace Lee na talagang ipinakilala pa nang bongga. Makaka-

windang, ang pangit tignan, dahil parang nakakatawa ang peg na parang tagasalo kung tawagin. Akala niya nakagaganda, wit!

Bakit kaya si Liz Uy, hindi rin niya kinuha? Ano kaya sa tingin mga kaparazzi?

Abangan na lang natin ‘yan, dahil ‘yan pa lang ang mga chikka ng mga source natin, ‘te!

 

BLIND ITEM: Sino naman kaya itong actress na ito na wala talagang kadala-dala at parang may sakit na talaga itong papansin?

Ang chikka nga rito, sa NAIA na naman nangyari, dahil last minute na tinatawag na naman ang pangalan niya at nagsisigawan du’n na kesyo raw traffic.

Eh, ‘di ba may rules na ngayon na 2-3 hours before check-in. Tapos biglang magwawala siya. So nakanino na kaya ang problema?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING