Para tuluyang mabaon sa limot ang isyu Rhian Ramos, ‘pinagpahinga’ ng Siyete!

BLIND ITEM: Nabubuwisit ang direktor sa bida niyang young actress, dahil ang tagal na pala nito sa set ng pelikulang ginagawa nila ay hindi pa ito nagpaparamdam. ‘Yun pala nasa loob lang ito ng van at naghihintay lang ng tawag kung eksena na niya.

Eh, ke Direk, sana man lang ay bumaba ito at nagbibigay-pugay at naghe-hello sa mga staff at TV crew para hindi naman isipin ng mga ito na kung sino siyang primadonna.

Super sorry naman ang bagets nu’ng  tumalak si Direk. Hindi na raw mauulit. Pero ang itinuturo ng bagets na me kasalanan ay ang madir daw niya na nagsabing ‘wag siyang bababa hangga’t hindi niya eksena.

Pero ang point ni Direk, bigay-pugay lang naman ang kailangan, ba’t kaila-ngang masyokot sa madir?

So nag-I therefore conclude sila na maldita talaga ang young actress, diva?

NAAAWA ‘YUNG isang kakuwentuhan namin dito kay Rhian Ramos. Nakapag-taping na raw ito ng 3 weeks para sa My Beloved ng GMA-7, pero nag-decide daw ang management na palitan na lang si Rhian ni Marian Rivera.

Na sumwak naman, dahil si Marian ay dyowa talaga ni Dingdong Dantes in real life. Pero dapat nga, si Rhian ang leading lady ni Dingdong, pero ang sey ng aming source, “pinagpapahinga” muna si Rhian hanggang sa tuluyan nang mabaon sa limot ang “bangungot experience” nito sa dating boyfriend.

“Imadyinin mo, nakapag-taping na for 3 weeks si Rhian only to find out na scratched lang lahat ‘yon at back to square one ang lahat? Saka ang matindi pa roon, lalo lang made-depress ‘yung bata, dahil wala siyang work, pahinga siya.

“Pa’no nga makakalimot ‘yung bata kung madadagdagan pa ng depression? And ang balita ko, si Rhian ang inaasahan sa family nila, tapos ngayon, wala pang work ‘yung bata?”

Ayon pa sa aming source, baka raw makaisip magpa-release sa GMA-7 si Rhian at kung pahihintulutan ng GMA-7, baka hanapin nito ang kapalaran sa ibang network.

Unless nga naman, me guaranteed contract si Rhian na kahit hindi pagtrabahuhin ay may inaasahang monthly salary sa GMA-7. Bongga pa rin, if ever.

Pero sabi nga ng aming source, “’Yung bata, depressed na sa nangyari sa kanila ni Mo at sa isyu regarding the abortion.  Hindi pa ia-allow mag-work, eh lalong made-depress ‘yon.

Well, in fairness to GMA-7, hindi naman siguro siya basta-basta pababayaan ng network. Baka meron silang bigger plans for Rhian sa kanyang pagbabalik na hindi lang natin alam kung kailan.

ANG TARAY ng teleseryeng Walang Hanggan. Bukod sa naglalakihang bituin ang mga bida tulad nina Ms. Helen Gamboa, Ms. Susan Roces, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Coco Martin, Paulo Avelino, Julia Montes, Joel Torre, Joem Bascon, Arlene Muhlach at siyempre, nandu’n kami (ang kapal naman ng fez ko kung maka-claim ako, hahahaha!) eh, alam n’yo bang go-go pa ng Italy sina Dawn at Coco para kunan ang ilang mahahalagang eksena for five days doon?

Juice ko, habang nagtatagal, lalong ayaw paawat ng ABS-CBN sa kanilang mga bonggang plano for all the teleseryes, kaya i-expect na natin ‘yan sa iba pang shows ng ABS-CBN.

Nu’ng isang araw lang ay nakipag-meeting kami para sa isang bonggang pasabog na show na kasali rin kami, kaya isa na lang ang nasambit namin: “Ang bait-bait talaga ni Lord!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMelissa Ricks, Support na lang ni Julia Montes
Next articleAnomalya sa Pondo ng OFW

No posts to display