Para raw mag-rate ang show Sarah Geronimo, sobra nang ginagamit si Gerald Anderson?!

ADVERTISING

Para raw mag-rate ang show Sarah Geronimo, sobra nang ginagamit si Gerald Anderson?!

Para raw mag-rate ang show Sarah Geronimo, sobra nang ginagamit si Gerald Anderson?! OLA CHIKKA now na!! Oh, no… oh yes… more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Hindi mo ‘to ke-kerihin, dahil maloloka ka talaga sa Earth! At fresh na fresh, magalit na ang magagalit, trabaho lang, walang personalan.

Nai-chikka lang naman ito sa akin at fresh ang mga nasagap kong chikka mula sa London, na napakaraming fans pala ng Kimerald ang galit na galit kay Sarah Geronimo dahil sobra na raw ginagamit lang si Gerald Anderson sa promo ng Sa-rah G Live! para mag-rate.

Wala rin naman daw nangyari, kasi hindi naman daw nagre-rate ang show ni Sarah, at kahit ang pelikula ng dalawa ay sumemplang sa takilya. Kahit itanong mo pa kay Virginia Grande na nakatira sa London.

At marami ang nag-message sa akin sa program ko sa London sa Pinoy Radio UK every Saturday, 12 to 2 am London time, at 8 to 10 pm Manila time, with Sonny Laragan, my co-host sa Ola Chikka Now Na!

ADVERTISING

Kaloka to the max! Bakit daw pinipilit ng mga fans ni Sarah na mabuo ang Ashrald? Ibig sabihin, alikabok! Kakain pa raw sila ng alikabok bago mapantayan ang Kimerald, kaya tumigil na sa ilusyon.

At may tawagan pa raw na ‘Babe’. Tingnan n’yo nang mabuti, ‘pag magkasama raw sina Sarah at Gerald, mukhang alalay lang daw ni Gerald si Sarah, walang class.

At take note, si Mommy Divine lang daw ang may gusto sa tambalang Sarah at Gerald. Tigilan na raw ang paggamit kay Gerald, kasi hanggang ngayon, hindi pa maka-move on si Sarah kay Rayver Cruz. Kahit itanong n’yo pa kay Cristine Reyes.

Mas bagay raw kay Sarah si Bugoy Drilon, kasi parehas magaling kumanta at magkalahi at magkakulay. Sey n’yo?

Hindi ako ang may sey nito, ha? As what I’ve said, trabaho lang, walang personalan.

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman itong super kontrobersyal ngayon na hindi pa rin ako maka-move on dahil sa pag-alis niya agad sa isang station para lang lumipat sa pinakamalaking istasyon?

Marami ang nag-chikka na utos daw ito ng bagong nali-link sa kanya. Kaloka naman, ‘te… ikaw na! Pero marami pa rin ang nagchi-chika sa atin na talagang for sure, ginagamit lang niya ang nali-link sa kanya para mag-dream come true talaga ang beauty niya, kaya nga wala ring tigil ang mga emote niya sa pagpapa-interview.

Hindi mo talaga alam kung ano ang gusto niyang pasukin! Hahaha! Pak! Sino siya?!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING