Para pagtakpan daw ang mga bisyo Manny Pacquiao, ginagamit ang Bible?!

ADVERTISING

Para pagtakpan daw ang mga bisyo Manny Pacquiao, ginagamit ang Bible?!

Para pagtakpan daw ang mga bisyo Manny Pacquiao, ginagamit ang Bible?! OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly! Ayan, don’t make your Monday a blue Monday, simulan na natin ang chikka intriga.

Kumustahin naman natin itong mga fans na walang modo, haha! Pinatulan daw ba? Hindi! Kasi ganito ang story, dahil ang masasabi ko lang, ang mga fans ni Sarah Geronimo ay mga bastos at walang class, parang mga paleng-kera compare sa mga Kimeralds na mga class at may respeto at magagalang. It means, may breeding! Dahil kahit anong isulat ko noon tungkol kina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Kimeralds ay walang mga reaksyon na negative.

Naloka naman kasi ako dito ng mga comment, tungkol sa mga sinulat ko kay Sarah. Ang Ashralds, ‘teh, pinagbabantaan ako nang bongga na mategi na raw ako? Kumustahin mo naman ‘yun, haha! Ang cheap, ‘di ba?

Anyway para sa mga chikkang ‘yan, hindi natin ka-level ‘yan! Pak!

ADVERTISING

DAHIL MAS maloloka kayo sa Earth dito sa chikkang itey na itong si Manny Pacquiao, wala raw ang ibang mga Katoliko sa kanya. Naichikka niya kasi na napanaginipan daw niya na sinabi raw sa kanya ni Lord na pinatitigil na raw siya sa pagbo-boxing, kasi masama raw ang nananakit ng kapwa.

Kung totoo ang panaginip niya, dapat tumigil na siya antimano. Pero tuloy pa rin ang laban sa May at dalawa pa ang kasunod.

Sabi nila, ano ba ‘yan? Ginagamit lang niya ang bible para mapagtakpan ang bisyo niya. Kaloka talaga! Ginawa naman niya tayong bata… bigla na lang nanaginip at sasabihing pinatitigil na siya ni Lord?

Ikaw na talaga! Kakaiba ka! Hahaha!

 

KUMUSTAHIN NAMAN natin ang Ola Chikka Girls, ang mga talent ko na talaga namang sunud-sunod ang mga offer ngayon, dahil sa pagiging Anzahl Babes nila na kinuha silang maging isang endorser at maging isa sa mga model ng kanilang produkto.

Maloloka ka sa Earth! Kaya ko nasabing biglang bongga ang career nila, nakasama nila sa event ang mga international models pagdating sa carshow na sina Jeri Lee, Ariany Celeste, Nikita Esco at iba pang imported babes sa isang pinakamalaking car show, ang HOT IMPORT NIGHTS. At ang bongga pa riyan, nandiyan din ang mga imported na mga kotse noong nakaraang March 24 at 25.

Nais ko lang i-congratulate ang Anzahl Babes na sina Kariz Espeña, Mai Moldero, Chame Germar, Fines Pena, Hannah Cortez at Jaz Manabant, Jonalyn Ramos, Ladder Events Production, Anzahl Carpaint… maraming salamat, at ang Ola Chikka Girls ay naging part ng isa sa pinakamalaking event na HOT IMPORT NIGHTS… kayo na!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING