Para mabihag ang puso ng dalaga
Derek Ramsay, sinisiraan si Sam Milby kay Danita Paner?!

ADVERTISING

<i>Para mabihag ang puso ng dalaga</i><br>Derek Ramsay, sinisiraan si Sam Milby kay Danita Paner?!<i>Para mabihag ang puso ng dalaga</i><br>Derek Ramsay, sinisiraan si Sam Milby kay Danita Paner?!DALAWA SA very eligible bachelors natin sa showbiz ngayon sina Derek Ramsay at Sam Milby.

After ng relasyon nina Derek at Angelica Panganiban, wala nang na-link na showbiz personality sa aktor.

Si Sam naman na sinasabing “torpe sa babae” hindi maka-first step sa sino man ang type niya na kadalasan sa hindi ay hindi nagma-materialize dahil nahihiya itong dumiskarte.

But this time, si Sam tila natitipuhan si Danita Paner kung sa ilang pagkakataon ay nagkakasama sila sa mga show na produced ni Tita Daisy Romualdez na ina ni Danita making them closer.

Kaso sa diskarte na ginagawa ni Sam kay Danita, nakakasabay naman nito sa panliligaw sa dalaga si Derek na openly ang paghanga at panliligaw sa TV5 star.

ADVERTISING

Sa katunayan, may isyu pa nga na namamagitan between Derek and Sam na sinasabi diumano ni “Kidlat” na bading si Sam na ang witness ay ang mag-inang Danita at Tita Daisy na tinuran naman daw ni Derek na lalong nagpa-complicate sa love triangle.

As of this writing naging kumplikado ang sitwasyon ng panliligaw ng dalawang binata kay Danita. Galit si Sam kay Derek na idine-deny naman ni Kidlat na sinabi niya na “gay” si Sam.

<i>Para mabihag ang puso ng dalaga</i><br>Derek Ramsay, sinisiraan si Sam Milby kay Danita Paner?!To clarify things, maging ang showbiz writer at “nanay-nanayan” ni Sam na si Jobert Sucaldito was also involve sa isyu ng ipagtanggol nito si Sam at inalam ang katotohanan.

Ayon kay Jobert, kaya siya napasama sa usapan dahil he want to clear things in defense of Sam na tahimik lang.

Maging si Tita Daisy, involved na rin sa isyu about the: Sam is Gay thing dahil isa siya sa mga witness at makapagpatunayn na sinabi nga ito ni Derek kay Danita, na ayon sa source namin ay nagpapalapad lang ng papel sa dalaga kaya sinisiraan nito si Sam sa kanya.

Sa ngayon, bad trip si Jobert. Hindi rin niya gusto ang pinalalabas ni Derek putting words into his mouth na kaya siya nakikipag-usap kay Derek ay para humingi ng dispensa sa minsang pagtalakay ng isyu sa radio show niya sa DZMM. But for Jobert, it’s easy to say sorry kung alam niyang nagkamali siya. Pero saying sorry to a person na alam niya na wala siyang ginawang masama but he just want to clear things ay maling-mali.

Kung saan hahantong ang tunggaliang ito ng dalawang binata over Danita ay abangan na lang natin.

At ang isyu on Jobert vs. Derek is another issue na dapat din natin i-miron.

Ang saya ng showbiz! Tunay!

 

NATAPOS NA rin ang usaping eleksyon. Hopefully, naka-move-on na ang mga showbiz personaities natin na tumakbo sa nakaraang halalan na there is life after an aborted political career. Si Richard Gomez, tuloy ang buhay para sa kanya. Ngayon ay muli siyang magiging aktibo sa showbiz.

Si Alex Castro na tumakbong vice-mayor sa bayan ng Marilao sa Bulacan, sa tono ng pananalita niya, tila nagsa-sourgraping pa siya. Tama ba na ayaw niyang tanggapin ang offer ni elected Mayor (na ka-team niya) sa kanya to head a commitee?

Si Aga Muhlach, talo sa 4th District ng CamSur na ayon sa kampo niya dinaya sila ng mga Fuentebella na halos isang daang taong namuno sa distrito na mahirap nga namang buwagin ng isang bagito.

Hindi fairytale o parabula ang eleksyon na tinalo ni David si Goliath. Dapat pinaghihirapan at tinatrabaho.

Ang susunod na eleksyon will be in 2016. May talong taon pa sila para magtrabaho at mamuhunan na ang pangarap na makatulong ay hindi instant tulad ng pansit canton na sa isang iglap ay presto ‘and’yan ka na.

You work hard for it. Build your own mass base na hindi mo lang iaasa sa iyong partido.

Ngayon na back to normal na ang lahat, hindi lang ang pagbabalik-showbiz ang kanilang aatupagin kundi ituloy nila ang pangako noong eleksyon na makatulong kahit wala sa kanila ang korona ng pagwagi. Dito sila masusubukan ng taong bayan na gusto nilang paglingkuran.

 Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING