PARA KAY SABRINA M: Sexy actress Katrina Paula, umaapela ng pang-piyansa ng kaibigan

ADVERTISING

PARA KAY SABRINA M: Sexy actress Katrina Paula, umaapela ng pang-piyansa ng kaibigan

PARA KAY SABRINA M: Sexy actress Katrina Paula, umaapela ng pang-piyansa ng kaibigan
Katrina Paula

NICE TO LEARN from former sexy actress Katrina Paula na ang kabatch niya na si Sabrina M. na nakakulong sa Camp Karingal sa QC dahil nahulihan ng drugs ay tanggap niya ang pagkakamali (as a drug user). 

ADVERTISING
 
Dinalaw ni Katrina ang kaibigan na almost 2 years na nakapiit sa kalungan. 
 
Panawagan ng sexy actress sa mga kasamahan niya like Ynes Veneracion, Aya Medel, Patricia Javier, Ara Mina, Ana Veloso, at marami pang iba na matulungan sana nila si Sabrina na makapag-piyansa. 
 
Sa ngayon ay inaayos ni Katrina at ilang mga sexy stars na kabatch nila para sa isang fundraising para makatulong sa pagbubuo ng almost P500K na bail for Sabrina.
 
Sa pamamagitan ni Katrina, pinasabi ni Sabrina na kung sakali makapag-bail ay mamasukan ito bilang labandera. 
 
“Tulungan po sana natin si Sab na gusto na magbagong buhay,” kuwento ni Katrina sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING