PARA HINDI MAINTERBYU, NAGSAKIT-SAKITAN!

ADVERTISING

KINSA SIYA? SINO itong young actress na sa isang event ay ipinipilit ng kanyang handler na meron siyang sakit at hindi puwedeng ma-interview?

Launching ang event na ito ng kanyang bagong endorsement kasama ang iba pang naggagandahang mga artista, kaya kailangang makakauha ang mga TV crew ng soundbytes mula sa kanya, para naman ma-invite niya ang publiko upang tangkilikin ang produktong ini-endorse niya.

ADVERTISING

Nagkataong may issue ang actress na umano’y ay niligawan siya ng isa pang young actor na guwapo at ayaw raw nitong matanong tungkol sa actor, kaya pinalabas nito sa mga press na meron siyang sakit.

Nang palabas na nang venue ang young actress, mega habol naman ang mga TV crew at iba pang press people at nakorner nila ang aktres sa isang sulok. Nakaismid pa ito at tipong may sakit kung pagmasdan ang kanyang itsura, pero nang nag-ilaw na ang mga mga cameraman, kuntodo ngiti na ang young actress at game na game na sumagot sa katanungan ng press.

Naku, ‘day, nag-iisa ka lang talaga sa pagiging mataray!

ADVERTISING

(By Arniel Serato)

ADVERTISING