Para ‘di na mapagbintangang nanggagamit Xian Lim, umiiwas na kay Kim Chiu!

ADVERTISING

Para ‘di na mapagbintangang nanggagamit Xian Lim, umiiwas na kay Kim Chiu!

Para ‘di na mapagbintangang nanggagamit Xian Lim, umiiwas na kay Kim Chiu!  ALAM NI Xian Lim kung saan siya lumulugar sa ngayon tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Kim Chiu.  Papaganda nang talaga ang direksiyon ng kanyang showbiz career, dahil naaalagaan naman siya sa bakuran ng ABS-CBN.  Pero wala siyang ilusyon na sikat na sikat na siya, kaya alam niyang marami ang kumukuwestiyon sa kanyang popularity para madikit sa Tsinitang aktres, lalo pa’t sikat na sikat nga ang dati nitong kasintahan na si Ge-rald Anderson.

ADVERTISING

Pero masayahing tao si Xian. Hindi siya nagpapaapekto sa mga taong nagtataas ng kilay sa kanyang pagkatao para kay Kim. Kaya nga hangga’t maaari, iwas din siyang masyado na pag-usapan ang young actress para hindi na siya mapagbinta-ngan na nakikisakay sa popularity ng dating ka-loveteam ni Gerald. “Nakakasakit din po kasi kung iisipin.  Kaya lang, showbiz ito, eh. Kaya mayroong mga ganyang intriga. Kinakaya ko naman ang dating. Ang importante lang kasi sa akin, ‘yung mapatunayan ko rin naman sa kanila, na hindi ako narito lang para makisakay kundi nagsisikap din naman ako na makilala rin ako sa showbiz dahil ako ito,” wika ni Xian.

Mahal si Xian ng mga fans ni Kim, kaya walang tumitira tungkol sa diumano’y panliligaw niya sa dalaga. Pagkatapos kasi ni Gerald na naging parte ng buhay ni Kim, wala na siguro silang maiisip na ibang pa-ngalan ng mga baguhang aktor sa showbiz na masasabi nilang mabait talaga bilang tao. Isa si Xian sa mga baguhang nilang artista na maipagmamalaki ng Star Magic, dahil sa harap man o sa likod ng kamera ay mabait siyang talaga.

 

ADVERTISING

WALA NAMANG problema kay Carmina Villaroel kung duma-ting ang pagkakataon na magkaharap-harap sila nina Zoren Legaspi at ng kanyang ex-husband na si Rustom Padilla, na ngayon ay pinaninindigan nang siya si BB Gandanghari.  Laging positibo ang pananaw ni Mina tungkol sa posibilidad na iyan. Kaya lang, para sa kanya ay namimili rin ng tamang panahon ang bawat bagay at pangyayari. Ayaw niya nang apurahan.

Ngayon pa lang, isa nang malaking palaisipan sa showbiz kung matutuloy ang pagpapa-kadakila ni Robin Padilla na ipag-produce ng pelikula sina BB at Zoren. Kasi nga, napa-kasayang isipin nito, na ang kasalukuyang karelasyon ni Carmina ay magiging leading man ni BB, na sa lumang katauhan ay dati nga niyang asawa. Masayang pag-usapan, masayang paglaruan. Sa mga biruan dati ay umokey lang si Zoren sa ganyang usapan. Pero umokey kaya siyang talaga kung ganyang may plano na si Binoe?

Para ‘di na mapagbintangang nanggagamit Xian Lim, umiiwas na kay Kim Chiu!

Si Carmina lang talaga ang isa sa mga unang magiging dahilan para matuloy ang project nina BB at Zoren. Kung nakahanda ba siyang makalkal ang maraming kuwento tungkol sa kanilang paghihiwalay noon ni Rustom, na iningatan niya ng ilang taon? Sa ngayon kasi, ang kambal nilang anak ni Zoren ay medyo may nalalaman na raw sa kuwento ng kanilang Mommy at ng BB ngayon. Pero hindi pa raw komportable si Mina na sa edad ngayon ng kanyang mga anak ay idetalye na niya ang kabuuan ng mga nangyari noon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING