Papa Jack, wala nang nilalandi

Papa Jack, wala nang nilalandi

Papa-JackAYON SA sikat na DJ na si Papa Jack ng 90.7 Love Radio at ngayon host na rin ng TV show na Call Me Papa Jack ng TV5,  sobrang nag-i-enjoy siya sa kanyang propesyon bilang disc jockey.

“I’m paid to say what’s on my mind. Binabayaran nila ako sa mga sinasabi ko at gusto kong sabihin. Saan ka pa makakakita ng ganu’n? Na ‘yung gusto mong sabihin, may bayad. Actually, parang hindi nga trabaho, ‘di ba? Kasi bukod sa nag-i-enjoy ka sa ginagawa mo, somehow, meron ka ring natutulungan.”

Gaano na ba siya ka-expert sa pagbibigay NG love advices o pagiging love guru?

“Sa radio lang po malakas ang loob ko na magpayo. Hindi po ako nagpapayo sa mga kaibigan ko. Hindi naman po nila hinihingi. Ayokong i-offer ‘yon kasi baka makainsulto lang ako ng kapwa. Sinasabi ko ‘yon sa radio, eh, na kapag alam n’yo na ang sagot, ‘wag na kayong tumawag.”

Eh, paano naman umiiwas sa tukso ang kagaya niya na kung sinu-sinong babae ang humahanga?

“Wala na po akong nilalandi, hindi ko na po ginagawa, kasi kasal po ako, eh. Nag-focus na po ako sa pagiging tatay at pagiging asawa. ‘Yon po ang nagbago nu’ng nagpakasal ako,” kuwento pa niya.

 

La Boka
by Leo Bukas