Papa Jack, galit na galit daw sa ‘malisyosong’ item!

ADVERTISING

Papa Jack, galit na galit daw sa ‘malisyosong’ item!

Papa Jack, galit na galit daw sa ‘malisyosong’ item!MARAMI ANG nag-react sa item namin about Papa Jack and they were bashing us.

Maging si Papa Jack daw ay galit na galit sa amin dahil hindi raw niya Facebook account ang pinagkunan namin ng aming item. It was a poser account lang daw.

When we woke up, somebody texted us at sinabing napakinggan niya si Papa Jack sa radio show nito and he was seething with anger. Idedemanda raw kami ni Papa Jack for what we wrote.

Sorry but we don’t find our item on Papa Jack LIBELOUS. We didn’t comment on his PERSONA. We didn’t call him NAMES. We just printed what we saw on Facebook.

ADVERTISING

Sabi ng bashers, dapat daw ay mag-sorry kami kay Papa Jack.

Bakit?

We didn’t malign him. How can we malign somebody we really do not know. We just know him as Papa Jack, that’s all. We have not maligned the Superstar, the Megastar and certainly we’ll not malign somebody who’s not even a STARLET.

Magdedemanda raw si Papa Jack. So be it. But the HARDEST to prove in court is MALICE.

Gets mo?

The only mistake we did in writing the story is hindi namin alam na it’s a poser account. But it was an HONEST MISTAKE on our part which we are very SORRY about.

 

NABAWI NA raw ang Chevrolet Camaro car na iniregalo ni Ai-Ai delas Alas sa ex-husband niyang si Jed Salang.

The luxury car was Ai-Ai’s monthsary gift to Jed when they were still a couple. Reportedly, it cost P3 million.

Nang ibigay ng komedyante ang car ay super excited si Jed na ipinost ang photo nito sa kanyang Instagram account with this caption : “Ty baby for the husband gift i love u so much… New car new shoes… Meet BUGSY CAMIL!”

Deactivated na ang Twitter account ni Jed dahil ang daming bashers ang nagbanta sa kanya.

Hindi pa nakukuha ang panig ni Jed and easily he was already been JUDGED.

Nakakatawa lang na binawi pa ang kotseng iniregalo sa kanya. Kung totoong nabawi na ang Chevrolet Camaro at ibinebenta na ito ng kampo ni Ai-Ai ay matatawag na Indian giver itong Comedy Concert Queen.

Bakit ganoon ang iba nating mga artista, kapag nakipaghiwalay sa kanilang dyowa ay binabawi pa ‘yung mga naibigay na. Nakakaloka, ‘no? Parang everyone has become so MATERIALISTIC.

We think that Jed should shed light on accusations na sinaktan niya si Ai-Ai. So far kasi ay panig pa lang ng komedyante ang naririnig.

We’re interested kung sinaktan din siya ni Ai-Ai bilang ganti sa pananakit niya.

Actually, mas nakikisimpatya kami kay Jed kaysa kay Ai-Ai. Unang-una, wala siyang kalaban-laban kay Ai-Ai because she is so powerful at meron siyang capacity to make people believe her story.

Also, kung totoong nagkapisikalan sila ni Jed even before their wedding ay bakit itinuloy pa niya ang pagpapakasal? Doesn’t make sense, ha!

Sirang-sira si Jed sa lumabas na interview ni Ai-Ai sa kanya. From obscurity ay naging instant sensation si Jed, only on a bad light.

‘Kaw kasi, pinatulan mo pa si Ai-Ai, eh, alam na alam mo namang magiging kontrobersyal ka. You had it coming!

Me nabasa kaming nagpahatid ng mensahe kay Jed. Kung sino man siya, he/she nailed it.

“Hindi porke sikat ka at magaling kang umarte, totoo na ang version mo. Doon tayo sa tama. Malaking bagay ang ipakilala ka sa buong pamilya at ibigay sa ‘yo ang pangalan n’ya. We are with you in this Jed! Just keep on praying,” sabi niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING