Papa Jack, aminadong may nagagalit sa kanyang mga caller

Papa Jack, aminadong may nagagalit sa kanyang mga caller

Papa-JackHINDI AKALAIN ni DJ Papa Jack na haharap siya sa entertainment press para sa kanyang bagong TV show na Call Me Papa Jack na magsisimula sa Saturday at 10 pm sa TV5. Late na siyang dumating dahil ninerbiyos at ‘di raw siya sanay na haharap sa press.

Hindi naman itinanggi ni Papa Jack na may nagagalit sa kanya kapag nagbibigay ng payo sa mga caller. Pero ang hindi raw alam ng mga listener niya ay madalas siyang umiyak kapag hinihingan na niya ng mensahe ang caller.

Madalas daw kasi ay tinatamaan siya ng mga ito na hindi na raw naririnig sa radio dahil ayaw niya talagang malaman ng mga tagapakinig.

When asked kung nakaranas na ba siya ng pagbabanta sa mga caller pagkatapos niyang bigyan ng payo?

“Wala naman pong ganoong pangyayari. May nagagalit pero hindi naman umabot sa pagbabantaan ako,” say ni Papa Jack.

May anak pala siya na 10 years old na ngayon pero hindi siya kasal sa babae at tuluyan na raw silang nagkahiwalay.

Three years ago nang magdesisyon siya na magpakasal sa babae na dati niyang naging model sa photography.

Aminado naman si Papa Jack noong kabataan niya ay naging mapusok siya at nakagagawa ng pagkakamali.

Going back sa bago niyang TV show, asked kung may pagbabago bang gagawin niya sa pagbibigay ng payo? Iba kasi sa TV kumpara sa radio.

“Pag-uusapan po namin ‘yan,” say pa ni Papa Jack.

Ilan sa magiging guest niya sa TV show ay sina Vice Mayor Isko Moreno, Julia Clarete, Bianca King, atbp. na naging controversial na celebrities.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo