Paolo Contis, pinataob na sina Boy Abunda at Kris Aquino?!

Paolo Contis, pinataob na sina Boy Abunda at Kris Aquino?!TUWANG-TUWA SI PAOLO Contis at nagpasalamat siya thru text messaging na tinalo ng kanyang Outrageous Courageous, na hino-host sa Bilib Ka Ba Nights every Tuesday, ang SNN.

Me gano’n, ‘di ba? Sa Mega Manila ratings ito. Pero sa nationwide ratings, panalo naman ang SNN.

Para hindi malito ang mga tao, lalo na ang mga fans na sumusubaybay sa mga ratings-ratings na ‘yan. Laging panalo sa Mega Manila ratings ang mga shows ng GMA-7. Ang Mega Manila, buong Metro Manila at mga karatig na probinsiya.

Kinumisyon ng GMA-7 ang AGB Nielsen para mag-survey. Ang alam namin (puwedeng mali rin naman ang nalaman namin), kinumisyon din dati ng ABS-CBN ang AGB Nielsen.

Pero dahil tila nagkaroon ng isyu noon na me “bayaran” at “suhulang” nangyayari, eh, bumitaw ang ABS-CBN sa AGB Nielsen (Is this really true?), eh, ang nagko-conduct na ng survey na de metro ay ang TNS na buong Pilipinas naman ang sakop.

At sa TNS nationwide ratings, lampaso naman ng ABS-CBN ang GMA-7. Kaya kung mapapansin ninyo, dalawang magkaibang ratings ang lumalabas sa mga diyaryo. Na ewan kung ikinalilito ito ng sambayanang pipol.

Kami naman, ang katuwiran namin dito, ikaw ang may hawak ng remote control ng TV set mo. Ikaw ang may choice kung sa aling programa o istasyon mo ipipirmi ang iyong remote control, kaya ikaw ang may sey kung alin sa mga istasyon ang feeling mo’y nangunguna.

Gano’n lang ‘yon.

NAGKAROON NG MARATHON airing ang buong unang linggo ng Adik Sa ‘Yo nu’ng Sunday. Ito raw ay due to insistent public demand.

Pero isang GMA insider ang aming kausap. Ang sabi, hindi masyadong pumalo sa ratings ang show na ito nina Dennis Trillo, Jolina Magdangal, Marvin Agustin at ‘yung anak ni Jean Garcia na si Jennica.

Hindi naman kami maka-relate, dahil hindi kami nakakapanood ng mga primetime shows, kasi nga, lagi kaming nasa labas.

Pero sabi pa rin ng aming GMA insider, “Ewan ko ba, Gie, kung sino’ng nakaisip na pagtambalin uli sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Juice ko, kahit ang mga jologs, hindi na nila ma-take ang kabaduyan ng dalawang ‘yan.”

Uy, grabe naman ‘tong kausap namin.

“Sa totoo lang, sino naman ang kikiligin sa isang loveteam na halos magkasing-height lang?”

NAKU, ME NAKAUSAP pa kaming isang tao. Pinagkakautangan din pala ito ng isang inactive actress na controversial din.  “Wala pang milyon, pero siyempre, mare, ang utang ay utang.

“Juice ko, pinaghirapan ko naman ‘yon. Kaso, ang gagawin naman niya, iiyakan ka lang at wala raw siyang pera talaga.  Pero ang nakakalokah du’n, ‘pag me mga okasyon sa buhay niya, grabe siyang magpa-party.

“Ano ‘yun? Me panggastos s’ya sa party, pero pambayad ng utang, wala?”

At dagdag pa ng aming kausap, “Ang nakakalokah pa du’n, siya na nga ang may utang at hindi na nakakabayad, ‘pag nag-away pa kayo, ikaw pa ang may kasalanan sa kanya at ikaw pa ang palalabasing may utang sa kanya.

“Hindi ba naman at nakakalokah siya?”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz