Paolo Contis at Lian Paz, sinisira ng ilang kaibigan ang pagsasama?!

ADVERTISING

Paolo Contis at Lian Paz, sinisira ng ilang kaibigan ang pagsasama?!

Paolo Contis at Lian Paz, sinisira ng ilang kaibigan ang pagsasama?!KUNG MATUTULOY ang binabalak ni Alfred Vargas na church wedding nila ni Yasmine Espiritu sa susunod na taon, bale dalawang alaga ko pala ang ikakasal sa taong ‘yun.

Ito kasing si Paolo Contis, nagpahayag na ring balak din daw nila ni Lian Paz na magpakasal sa simbahan sa susunod na taon. Pangako niya raw kay Lian ‘yun, nagkaroon na pala sila ng civil wedding ilang taon nang nakakaraan.

Hindi naman kailangang ipangalandakan ‘yun ni Paolo. Wala lang daw may nagtatanong sa kanya kaya tahimik lang sila ni Lian. Pero ilan sa mga taga-GMA-7 ay hindi na raw sila nagtatanong dahil nakikita naman daw nila ang wedding ring nito. Ako naman, walang napapansin kaya malay ko ba!

Nu’ng nag-celebrate sila ng kaarawan ng dalawang anak nilang sina Xonia at Xalene nu’ng nakaraang Linggo, natanong ito sa kanila ni Lian ng Startalk at inamin naman nila. Hindi na lang nila idinetalye ang tungkol sa civil wedding na ‘yun, basta matagal na raw silang married, bago pa yata ipinanganak ni Lian ang pa-nganay nilang si Xonia.

ADVERTISING

Doon sa interview ng Startalk, nag-i-emote itong si Paolo dahil meron daw mga itinutu-ring niyang kaibigan na parang gusto pang sirain ang pagsasama nila ni Lian. Tinawag niyang parang mga buwitre ito na parang nag-aabang lang na magkaproblema sila ni Lian.

Naku! Tanungin ko nga si Paolo ‘pag magkita kami dahil may mga naririnig din ako kung sino itong mga kaibigan na tinutukoy niya.

Eh, sa kadaldalan pa naman ni Paolo, tiyak na magsasalita ulit iyan kung sino itong mga kaibigang tinutukoy niya.

 

SI RHIAN Ramos na lang ang hinihintay ng mga reporters na magpa-presscon dahil nagtataka raw sila bakit wala ito sa presscon ng pelikula niyang My Kontrabida Girl.

Alam ko, nakahanda naman si Rhian na humarap sa mga reporters, kaya siguro tatawag din sila ng presscon ‘pag malapit na ang March 14 na showing ng pelikulang ito.

Actually, nai-interview naman si Rhian sa ilang events at okay naman siya, kaya sana nga makabalik na talaga siya nang maayos sa pamamagitan nitong pelikula nila ni Aljur Abrenica.

Marami naman ang na-impress sa trailer nito. Kaya sana nga, maganda ang kabuuan ng pelikula dahil marami ang nagkakainteres na panoorin ito.

‘Yun lang naman ang hiling ng mga taga-GMA Films na tangkilikin itong My Kontrabida Girl para masasabing tanggap na ang pagbabalik ni Rhian.

Sana bigyan naman natin ng isa pang pagkakataon. Lalong gumanda pa naman ngayon si Rhian. Sana nga tangkilikin itong pelikula nina Rhian at Aljur.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING