Paolo Bediones, namamalo sa puwet

ADVERTISING

Paolo Bediones, namamalo sa puwet

Paolo-BedionesKAMI NAMAN ay aminadong pinanood ang video scandal diumano ni Paolo Bediones kasama ang isang magandang girl. Pero siyempre, hindi naman ito ay para ikalat pa para mas maraming makapanood.

Tama na ‘yong alam namin ang kuwento para hindi mahuli sa balita. ‘Yung iba talaga ay ikinakalat pa ang naturang video link para lalong ipahiya si Paolo. Pero sabi ng ilang friends, “At least, hindi siya bading, huh! Girl naman ‘yung napanood natin at in fairness, may kadakilaan ang lolo mo, kaya pasok na sa banga!”

Kami nga, after watching the video scandal ng sinasabi nilang Paolo Bediones, kung siya man ‘yon ay feeling namin, siya ‘yung klase ng ama na disciplinarian.

Disciplinarian? Baket?

ADVERTISING

Eh, kasi, base sa video na napanood namin, namamalo sa puwet ang kamukhang ‘yon ni Paolo Bediones.

 

PERO KAMI rin ay nanawagan na ‘wag nang i-post o i-repost sa kanilang facebook ang naturang video, dahil hindi maganda kung ito’y makikita ng FB friends mong mga bata o menor de edad na hindi pa handa ang utak para maintindihan ang isyu. Let’s face it, kahit pa 18 and above ang tinatanggap ng Facebook admin na magkaroon ng FB account, eh nandadaya naman ang ibang bagets ng age, kaya sa ayaw at sa gusto natin ay makikita pa rin ng mga bata ‘yang mga ganyang klaseng video.

Kaya ang ginagawa namin bilang iniisip namin ang aming mga anak (na may FB account din) ay subject for approval ang lahat ng mga gusto kaming i-mention o i-tag sa kanilang post para hindi basta-basta nakalulusot ang kanilang mga ipino-post.

Hindi naman kami santo, pero hindi rin para kami pa ang pagmulan ng mga kagaguhan sa Facebook.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING