Paolo Bediones, nag-aalala sa pagkalat ng iba pang sex video

ADVERTISING

Paolo Bediones, nag-aalala sa pagkalat ng iba pang sex video

Paolo-BedionesTV HOST and news anchor Paolo Bediones is now worried that his other sex scandal video might find its way sa Internet.

This is the reason why he’s filed a complaint at the PNP Anti-Cybercrime Group. Meron kasing namba-blackmail sa kanya na nagsabing maglalabas ng iba pang sex scandal ni Paolo. Now bothered, Paolo has taken the matter to the police.

There are rumors that the next sex video will outdo and outshine the first sex scandal of Paolo. Me nasulat pa ngang hindi raw babae ang ka-sex ng news anchor, bagay na mahirap paniwalaan hangga’t walang nakikitang ebidensiya.

Halatang merong matinding galit kay Paolo ang nagpakalat ng sex video niya. Kung sino man siya, ano kaya ang nagawang kasalanan ni Paolo at ganoon na lang ang galit niya rito?

ADVERTISING

 

BIG CHALLENGE for young star Miggs Cuaderno ang role niya  as a kid wrestler sa Cinemalaya entry na Children’s Show.

“Medyo nahirapan po ako sa role ko kaya pinag-training kami ng boxing. Meron naman pong stunt director,” chika sa amin ng bagets sa pocket presscon for GMA Artists Center’s roster of talents na may Cinemalaya entries.

“Medyo nahirapan po ako talaga kasi first time ko pong gumawa ng action film. Nasasaktan din po ako pero hindi naman ako nagkapasa. Minsan po ay napilayan ako, sumakit ang likod ko,” dagdag na chika ni Miggs.

Miggs is also starring in Asintado where he plays an autistic kid. To prepare himself, he watched Cesar Montano’s Bullets at ‘yung movie ni Vilma Santos na kasama si Tonton Gutierrez na ang galling-galing bilang sinto-sinto. Si Tonton ang naging peg niya for his role sa Asintado.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING