Paolo Bediones, ‘di kabawasan sa respeto ang sex video

ADVERTISING

Paolo Bediones, ‘di kabawasan sa respeto ang sex video

Paolo-BedionesLIKE A baton-wielding majorette who leads a band of musicians in many a fiesta, nanguna nitong nakaraang episode ng Startalk ang kuwento tungkol sa sex video ni Paolo Bediones aptly titled The Newsman is in the News.

ADVERTISING

Given Paolo’s situation, para sa amin ay hindi nabawasan ang aming respeto kay Paolo who was one of the revered names sa departamento ng GMA News and Public Affairs.

Si Lolit Solis ang bumabangka sa umpukang off-camera sa Startalk, making us recall ‘yung panahong marespetong namaalam si Paolo before taking the bold, if not uncertain plunge into TV5. Kuwento ni ‘Nay Lolit, Paolo practically went as far as hopping from one boss’s office in the news department to another para magpaalam.

Personal ding sinadya ni Paolo ang Startalk—gayong kung tutuusin—what did he have anything to do with a showbiz talk show na hindi sakop ng kanyang departamentong lalayasan?

ADVERTISING

Pero marespeto si Paolo, a man of unquestioned integrity. It’s just too bad na may ganitong isyu sa kanya, pasasaan ba’t ang STORY today becomes HISTORY tomorrow?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING