Paolo Bediones at Derek Ramsay, kapwa nasa sentro ng intriga

ADVERTISING

Paolo Bediones at Derek Ramsay, kapwa nasa sentro ng intriga

Paolo-Bediones-Derek-RamsayDALAWANG SIKAT na personalidad na parehong inalagaan ng TV5 ang mga pangalan nina Paolo Bediones at Derek Ramsay dahil sa pagiging kakaiba nila sa pagdadala nila ng kanilang personalidad. Parehong may hitsura na malakas ang appeal sa mga tao. Pero pareho sila ngayong sentro ng kontrobersiya. Una si Paolo na nang dahil sa pagkalat ng kanyang sex videos ay sobrang naiiskandalo ngayon ang career. Pangalawa ay si Derek na ang pinagdaraanang isyu ngayon ay ang pagdidiin sa kanya ng kanyang anak at babaeng unang pinakasalan, na siya umano ay isang pabayang ama.

Marami ang nalungkot para kay Paolo, dahil propesyunal siyang magtrabaho. Magaan siyang kasama, dahil maamo siya sa mga tao sa kanyang paligid. Kilala na siya bilang TV host dahil may sarili siyang tatak. Pero kahit mahal ni Pao ang kanyang trabaho, nasa bakod ng alanganin na mawalan siya ng career kung ganyang sa kabila ng kanyang karespe-respetong hitsura ay patuloy pang kumakalat ang kanyang sex videos.

Kumpara kay Paolo, si Derek naman ‘yung mukhang may angas ang hitsura, na parang mayabang kung titingnan ang personalidad. Pero kapag nakilala at nakakausap mo na siya ay maaaliw ka sa kanya, dahil maamo rin siyang tao. Nauna niyang patunayan sa showbiz na mabait siya, kaya ngayon sa pinagdaraanan niyang problema sa kanyang unang pamilya, ang daming nag-aabang kung may kakaiba nga bang ugali ng pagkatao ang guwapong actor, o biktima lang siya, dahil mabuti talaga siyang tao tulad ng naipakilala na niya sa showbiz?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING

 

ADVERTISING