Paolo Ballesteros, walang planong ipaputol si “Jun-Jun”

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, walang planong ipaputol si “Jun-Jun”

Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Natawa ako sa statement ni Paolo Ballesteros during the grand presscon ng pelikula nila ni Bossing Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10 and The Abangers na hindi niya plano na ipaputol si “Jun-Jun”.

Kasi si BB Gandanghari na dati ay si Rustom Padilla, na-grant na ng State of California ang kanyang pagpapalit ng pangalan at gender, legally ay babae na ito. I just don’t know kung bukod sa pagpapalit ng kanyang legal name from a male to a female ay kasama na rin ang pagpapalit ng kanyang male sex organ. In short, ‘di ko lang batid kung nagpa-opera na si Rustom… er si Binibini Gandanghari, na ari na ng babae ang nasa kanyang katawan.

“No, hindi ko gagawin ‘yun,” sabi ni Paolo na mujer ang suot kasama ng “lolas” ng Kalye Serye ng Eat Bulaga na sina Wally Bayola at Jose Manalo.

Bukod sa “Enteng Kabisote 10” na showing na this coming Wednesday, November 30, and for sure ay hahakot na naman sa box-office, dapat abangan ng fans ng aktor ang kanyang pelikulang “Die Beautiful” na ipalalabas sa 2016 MMFF,  kung saan hinirang siya as Best Actor sa nakaraang Tokyo International Film Festival.

ADVERTISING

Mujer na mujer si Paolo sa pelikula na ang peg ng aktor ay isang kontesera sa mga gay beauty pageant na palaging talunan dahil may kahinaan sa pagiging smart niya as a beauty pagent contestant.

“As always, umuuwi akong luhaan dahil pagdating sa Q and A, palagi akong talo,” natatawang kuwento niya sa amin.

Kaya nga awrang-awra si Pao sa kanyang mga eksena sa pelikula na dinirek ni Jun Lana.

Sa katunayan, umawra nga ang aktor sa Japan hindi lang sa pag-arte kundi pati na rin sa galing niya sa pagme-make-up na pinatunayan niya na puwede siyang mag-transform from a male Paolo Ballesteros to an Angelina Jolie or maging ka-look-alike ni Julia Roberts.

“Sa isang bar sa Japan, napagkamalan akong si Angelina nang makita nila ako. ‘Yun kasi ang awra ko that evening after attending an event sa TIFF,” sabi ng aktor.

Nagawa na rin ni Paolo na maging kamukha ni Anne Curtis at ni Marlyn Monroe.

Anyway, sa pelikulang “Enteng Kabisote 10 and The Abangers, bukod kina Wally at Jose ay kasama niya sa movie sina Bea Binene, Atak, at Epi Quizon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING