Paolo Ballesteros, sa isyung threat kay Vice Ganda: “Walang ganu’n!”

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, sa isyung threat kay Vice Ganda: “Walang ganu’n!”

Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Binigyan ng welcome presscon nina Mother Lily at Roselle Monteverde si Paolo Ballesteros na kapapanalo lang ng best actor sa Tokyo International Film Festival para sa pelikulang “Die Beautiful” na Regal din ang magre-release. Sa kalagitnaan ng pocket presscon ay ini-announce din ni Mother Lily na pipirma ng 3-picture contract sa Regal si Paolo.

Sa future projects niya sa Regal, tatanggap ba siya ng straight guy na role o gay role ulit?

“Kahit  ano. Basta gusto ko ‘yung matsa-challenge ako. Kasi halimbawa, sabihin natin na another gay role, kailangan iba siya kay Trisha (character niya sa “Die Beautiful”). And at the same time, kung straight naman, dapat matsa-challenge din ako kung action-action,” paliwanag niya.

Nagbigay rin siya ng reaksyon sa idea na okey kapag nagsama sila ni Vice Ganda sa pelikula.

ADVERTISING

“Well, depende,  kung mag-push, why not?”

Eh, sa isyung threat daw siya kay Vice Ganda, anong masasabi niya?

“Wala namang ganu’n. Pare-parehas din lang naman kami ng aim na mapasaya ‘yung audience, na magustuhan ‘yung pelikula. So, walang ano, walang threat-threat, walang ganu’n,” sey pa ni Paolo.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING