Paolo Ballesteros, nagpapansin kay Ellen DeGeneres

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, nagpapansin kay Ellen DeGeneres

Paolo-BallesterosKAYA PALA tinanggihan ni Paolo Ballesteros ang offer na interview ng TMZ via Skype ay dahil daw mas type niyang mapansin ni Ellen DeGeneres.

Siguro naman ay mapapansin na siya ng nasabing popular TV host now that he recently copied her face sa kanyang latest make-up transformation.Kuhang-kuha ni Paolo ang mukha ni Ellen, ha? Actually, mukhang mas maganda pa siya kaysa sa karibal ni Oprah Winfrey.

Now that he’s done Ellen, makaabot kaya sa TV host ang kanyang make-up transformation at maging interesado kaya ito na i-guest siya sa kanyang TV show na pinapanood worldwide?

Hit ang make-up transformation ni Paolo kina Beyonce, Rihanna, Miley Cyrus, Angelina Jolie, Tyra Banks.

ADVERTISING

So, nagpapapansin si Paolo kay Ellen? We think so!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING