Paolo Ballesteros, muntik ikamatay ang kagustuhang maging sexy

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, muntik ikamatay ang kagustuhang maging sexy

Paolo-BallesterosINAMIN NA rin ni Paolo Ballesteros na may kinalaman ang diet pills sa nangyaring mild stroke na naranasan niya last month. Matagal nang pinag-uusapan na diet pills ang ugat ng nangyaring mild stroke ni Paolo, pero walang naglakas ng loob na tanungin ang actor/TV host ng diretsahan.

Sa isang exclusive interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica sa GMA 7, last Sunday, sinabi ni Paolo na gumagamit siya ng slimming pills na naging dahilan ng kanyang mild stroke dahil sa kagustuhan ng maging sexy.

Pero hindi ibinulgar ni Paolo kung anong klaseng diet pills ito kaya walang kumpirmasyon kung ang alleged diet pills na Bangkok pills ang ugat ng kanyang stroke.

Dahil sa nangyari, hinding-hindi na raw gagamit uli ng diet pills si Paolo para maiwasan ang hindi magandang nangyari na muntik nang kumitil ng kanyang buhay.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING