Paolo Ballesteros, may pinagdaraanang problema kaya andaming kapalpakan?

Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Tuwing pinanonood namin ang “Eat … Bulaga!”, nami-miss namin si Paolo Ballesteros, hindi kumpleto ang grupo ng lolas (Jose Manalo at Wally Bayola) sa kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mas masaya ang bawat eksena kung nandun sana si Paolo. Masyado naman yatang malupit ang ibinigay na parusa ng producer ng EB sa TV host/ comedian. Ilang buwan suspendido si Paolo sa nasabing noontime show kaya madalas daw lasing ito at tulala.

Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago raw ng ugali ni Paolo Ballesteros. Naging mayabang na raw kung umasta ito sa EB. Naging demanding, pala-utos at nagpi-feeling na sa production staff ng show na akala mo raw siya ang nagdadala ng show. May nagsasabing may pinagdaraanang problema raw ang actor kaya wala sa loob nito ang ginagawang kapalpakan.

Ang pagkakaalam namin ay humingi na raw ng dispensa si Paolo sa producer ng EB at sa buong cast at production staff ng nasabing noontime show. Pero wala pa ring epek ang ginawa niyang pagso-sorry sa mga ito. Tuloy pa rin ang ilang buwan niyang suspension sa show.

Ano kaya kung sina Vic Sotto at Joey de Leon ang makiusap sa EP ng “Eat… Bulaga!”, pagbigyan kaya nila? Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleBimby Yap, malapit nang magkaroon ng baby brother
Next articleJohn Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala pa ring linaw ang pagbabalikan

No posts to display