Paolo Ballesteros, indirect pa rin ang pag-amin sa totoong gender

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, indirect pa rin ang pag-amin sa totoong gender

Paolo Ballesteros, indirect pa rin ang pag-amin sa totoong gender
Paolo Ballesteros

ANG BUONG akala namin ay mag-a-out na totally si Paolo Ballesteros sa presscon ng pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment at aaminin niya ang tunay na kasarian, pero nganga pa rin ang press.

Ayon kay Paolo, wala naman daw siyang kailangang aminin dahil wala rin naman daw siyang itinatago.

 “Wala naman akong itinatago, eh. Indirect lang (ang pag-amin). Pero hindi ako nagtatago,” pahayag ng bida ng My 2 Mommies na showing na on May 9 mula sa Regal Entertainment.

Sunod na tanong namin, sa palagay ba niya darating yung time na mag-a-out talaga siya?

ADVERTISING

Sagot ni Paolo, “Hindi ko pa alam. Sana.”

     May anak na 9-year-old na girl si Paolo named Kiera Claire. Sa palagay ba niya ay kilala na siya ng kanyang anak?

I’m being myself in front of her and even kahit wala siya.What you see is what you get.

“I’m sure, naiisip na rin niya yon, na ‘ang galing naman niya mag-make-up’ at ‘bakit siya naka-heels.’ Pag nagtanong, saka ko ipapaliwanag, pero wala pa, eh. Baka gets na niya. Kasi smart girl naman siya, eh,” sagot ng Make-upTransformation King.

Patuloy niya, “Saka nung nasa akin pa siya non sa St. Paul, pagka meron siyang event sa St, Paul, ako nagme-make-up sa kanya and stay put naman siya na nagpapa-make-up.”

Si Solenn Heussaff ang kapartner ni Paolo sa My 2 Mommies na idinirek ni Eric Quizon. Special guest naman sa pelikula si Maricel Soriano.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING