Paolo Ballesteros, inaabangan na ng international media sa Tokyo Film Festival

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, inaabangan na ng international media sa Tokyo Film Festival

Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Tuloy na tuloy na ang pagdalo ni Paolo Balles­teros, kasama sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, sa Tokyo International Film Festival, dahil nakapag paalam na raw siya sa “Eat… Bulaga!” at pinayagan naman.
Maaalalang isa ang pelikula ni Paolo na “Die Beautiful” sa entries sa Tokyo International Film Festival sa Japan ngayong taon.
Inaabangan na nga raw ng international press sa Tokyo ang pagdalo ni Paolo, at inaabangan ng mga ito sa kung sino bang Hollywood star ang gagayahin niya.
Excited na nga raw si Paolo sa pagdalo sa nasabing festival, lalo na’t launching movie niya bilang bida ang “Die Beautiful” na mas nauna pang mapanood sa Japan kaysa sa Pilipinas.

 

 

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez, masayang-masaya sa nominasyon ng mga anak sa Star Awards for TV 2016

ADVERTISING

Masayang-masaya ang mahusay na actress na si Sylvia Sanchez dahil tatlo sila ng kanyang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na nominado sa darating na Philippines Movie Press Club Star Awards for Television 2016 na magaganap sa October 23 sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City.
Nominado si Sylvia sa kategoryang Best Drama Supporting Actress para sa mahusay na pagganap sa Kapamilya seryeng “Ningning”. Nominado naman si Arjo sa kategoryang Best Drama Supporting Actor para sa magandang performance sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”, habang nominado naman si Ria sa kategoryang Best New Female TV Personality” para sa “Ningning”.
Malaking blessing nga raw ito para kay Sylvia, dahil pare-pareho silang nominado ng kanyang mga anak. Ayon nga kay Sylvia, magiging inspirasyon daw ang kanilang nominasyong nakuha sa mga susunod pa nilang mga proyekto.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING