Paolo Ballesteros, hirap na hirap magpakalalaki sa pelikula

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, hirap na hirap magpakalalaki sa pelikula

Paolo Ballesteros, hirap na hirap magpakalalaki sa pelikula
Paolo Ballesteros

GAGANAP bilang lalaki at bading si Paolo Ballesteros sa latest movie niyang Amnesia Love na showing on Feb. 28. Bading siya sa simula pero dahil sa isang aksidente ay biglang naging straight guy.

Ang nakakatawa pa, mai-inlove siya sa karakter ni Yam Concepcion na leading lady niya sa pelikula. Magkakaroon din daw sila ng mga intimate scenes.

Ayon kay Paolo, hirap siyang magpakalalaki o mag-portray ng straight guy sa pelikula.

“Mas komportable kasi ako sa bakla. Kumbaga, yung creativity ko as an artista mas nalalaro ko siya, feeling ko ha, kesa sa straight na lalaki. Pero parang mas challenging yung (huli).”

ADVERTISING

Eh, sino ba ang naging peg niya bilang lalaki? 

“Sa peg, iniisip ko yung dating ako. Charot. Ha-ha-ha! Yung matagal na panahon na,” humahalakhak niyang pahayag.

When asked kung sino ang masarap na kahalikan – babae ba o lalaki, natawa si Paolo.

“Basta may nguso, masarap. Ha-ha-ha!”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING