Paolo Ballesteros, ‘di pa maamin sa anak ang tunay na pagkatao

ADVERTISING

Paolo Ballesteros, ‘di pa maamin sa anak ang tunay na pagkatao

paolo-ballesterosAwrang-awra ang beauty ni Paolo Ballesteros. Kung sa peg na pa-mhin, cutie si Paolo na hindi mo iisiping beki ang ate.

ADVERTISING

Pero mas agaw-pansin ang winner ng Tokyo International Film Festival Best Actor (Die Beautiful) kapag nagbi-bihis-girl siya in his talyadang galing sa pagme-make-up.

Alam n’yo ba na until now ay hindi pala knows ng nag-iisaang anak niya (sa pagkadalaga, errr… sa pagkabinata) na si Kierra, na naka-based sa Chicago kasama ang ina nito, ang alternative lifestyle ng aktor?

Hindi pa pala niya sinasabi sa anak na ang fadir niya ay isang beki.

ADVERTISING

“Timing lang. Hindi pa ngayon. Ang alam lang niya, ang lahat na pagbibihis babae ko, pagme-make up ay trabaho lang,” sabi ng aktor sa amin na ang pelikula niyang “Die Beautiful” na dinirek ng winner din na si Jun Robles na pinag-uusapan sa buong mundo ay ipalalabas sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Sa darating na Christmas season, dito magse-celebrate si Kierra sa Pilipinas.

“She’ll be coming from Chicago. Gusto ko namang makasama ang baby ko, ‘teh,” kuwento ni Paolo.

Ang maganda sa relasyon nilang mag-ama, okey sa anak na magbihis-babae siya dahil alam ng bata na ang pagpapa-girl ni Paolo ay isang trabaho lang.

Kung kailan magaganap ang confession ng aktor sa anak, ‘di namin alam. Maging si Paolo ay clueless kung kalian siya aamin sa bata ng tunay niya katauhan.

For now, enjoy-enjoy na lang mula habang wala pang problema ang mag-ama.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING