Paolo Ballesteros, 6 na buwang suspended sa “Eat Bulaga” dahil sa Facebook rant?

Janice-de-Belen's-Instagram-PostsAnim na buwang suspended umano sa noontime show na “Eat Bulaga” si Paolo Ballesteros, ayon sa kumakalat na balita.

Sa lumabas na column ng entertainment writer na si Ricky Lo sa Philippine Star noong Biyernes, March 18, nag-ugat umano ang suspensyon kay Paolo Ballesteros sa mga ipinost nitong ‘rant’ o pagkainis sa kanyang Facebook page dahil hindi umano nito alam kung anong gagawin sa Ad Summit kung saan nakatakda siyang maging isa sa mga host. Sponsored ng “Eat Bulaga” part na iyon ng nasabing event na ginanap sa Subic, Zambales.

Isa si Paolo bilang Lola Tidora sa triumvirate na kinabibilangan nina Jose Manalo bilang Lola Tinidora at Wally Bayola bilang Lola Nidora sa kalyeserye ng EB na nagpasikat phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kilala rin si Paolo sa kanyang serye ng make-up transformations ng mga sikat na Hollywood celebrities.

Sa isang pahayag na ibigay sa ilang media, hindi naman kinumpirma o itinanggi ng TAPE, Inc., producer ng EB, sa pamamagitan ni Malou Choa-Fagar, ang suspensyon ni Paolo. Sa halip, sinabi nito na “internal matter” ang nasabing isyu at bilang polisiya, hindi ito kailangang pag-usapan sa publiko.

By Parazzi Boy

Previous articleAlden Richards, matagumpay ang firts solo concert sa Antipolo
Next articleIna nina Janice de Belen at Gelli de Belen, pumanaw na

No posts to display