Panibagong kaso vs Dj Mo Twister

Panibagong kaso vs Dj Mo Twister

PANIBAGONG KASO na naman ang hinaharap ni DJ Mo Twister.

Kumpirmadong magsasampa ng kasong libelo ang tumatayong abogado ni DJ Mojo Jojo (at ng kanyang non-showbiz partner) na si dating Justice Undersecretary Atty. Fidel Exconde. Dating kasamahan ni DJ Mo sa radyo si DJ Mojo Jojo na sa ngayon ay nagpapagaling pa rin sa isang ospital sa Pasig City.

Si DJ Mojo Jojo ang isa sa huling DJ na umalis sa naturang radio show ni Mo Twister. ‘Di na umano niya kaya ang pananakit na ginagawa sa kanya ni Mo. ‘Di na rin daw niya makaya ang pangungurakot ni DJ Mo sa mga premyo na dapat mapunta sa kanilang listeners.

Nagsimula ang hidwaan ng dalawang DJ nang sunud-sunod ang mga mapanirang salita na binitiwan ni DJ Mo Twister gamit ang kanyang pang-umagang radio show sa Magic 89.9 at ilang dyaryo laban kay DJ Mojo Jojo at sa kanyang non-showbiz partner. Tila umano niyurakan ang kanilang pagkatao ng kung anu-ano “kasinungalingang” pinagsasasabi ni Mo Twister gamit ang kanyang radio program.

Ayon sa “non-showbiz partner” ni DJ Mojo Jojo puro kasinungalingan din umano ang mga pinagsasasabi ni Mo Twister at hindi niya alam kung bakit inilabas ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal ang pahayag nito. Aniya, “sana naman daw na-check muna ng kolumnista kung makatotohanan ang pinagsasasabi ni Mo bago niya ito nilabas.”

Mahigit na limang DJ na umano ang umalis sa show ni Mo Twister dahil ‘di na makayanan ang ugali nitong si DJ Mo Twister. Isa na rito si Maui Taylor, DJ Andi-9, DJ Little Man Guile at DJ Grace Lee.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)