PANG-INTERNATIONAL! ‘Under’ at ‘Lost’ ni Lovi Poe umaariba na

KUNG ang mga Kapuso at Kapamilya viewers ay nagtataka kung mananatili ba itong Kapuso o makikipagsapalaran na ba sa Kapamilya network si Lovi Poe, ang music career naman ang inaatupag at kinakarir ng dalaga.

PANG-INTERNATIONAL! ‘Under’ at ‘Lost’ ni Lovi Poe umaariba na
Lovi Poe in ‘LOST’ MV

Nang matapos ang locked-in taping niya para sa romance-comedy series na ‘Owe My Love’ at upcoming sexy-thriller movie na ‘The Other Wife’ para sa Vivamax ay nagtungo ang in-demand artist sa Amerika hindi lang para makipag-reunite sa kanyang boyfriend. Ang main priority talaga ni Lovi Poe ay ang makapagrecord pa ng mga kanta sa tulong ng mga US-based music producers.

Early this year ay inilabas ni Lovi Poe ang music video ng ‘Under’, na ngayon ay mahigit 100,000 views na sa YouTube. Marami ang nagsasabi na pang-international level na talaga si Lovi dahil sa pagiging sexy yet classy ng music video.

Noong June 25 naman ay inilabas na ang music video para sa emotional ballad na ‘Lost’, kung saan nashowcase ni Lovi ang kanyang range bilang isang singer. Sa mga hindi nakakaalam, unang pumasok si Lovi bilang singer. Nagkataon lang na nabigyan siya ng pagkakataon ng GMA na umarte. Dito ay nadiscover niya ang kanyang kakayahan bilang isang aktres hanggang sa magbida na ito sa iba’t ibang TV series at movies.

Sa pagiging in-demand ni Lovi ay pinag-aagawan ito ng iba’t ibang film outfits. Pati TV networks ay laging guessing game kung mananatili ba ito sa kanyang original home network o kakagatin ba ang offer ng kabila. O ‘diba, ang haba ng hair?!

Sa mga hindi pa nakakanood ng ‘LOST’, i-stream niyo na ang MV na may Tatak Lovi Poe – sexy, sophisticated and sensual! Puwede niyo na rin i-stream ang mga bagong kanta ni Lovi sa Spotify at Apple Music.

Previous articleThings You Didn’t Know About Ella Cruz
Next articleJoem Bascon mananatiling Kapamilya: ‘Happy ako sa ABS-CBN’