“PANDAY” creator Carlo J. Caparas, aprub kay Coco Martin bilang bagong Flavio!

ADVERTISING

"PANDAY" creator Carlo J. Caparas, aprub kay Coco Martin bilang bagong Flavio!

"PANDAY" creator Carlo J. Caparas, aprub kay Coco Martin bilang bagong Flavio!
Direk Carlo J. Caparas and Coco Martin

MATAGAL NA PALA ang negosasyon nina Direk Carlo J. Caparas at Coco Martin sa muling pagsasa-pelikula ng kanyang obra na “Ang Panday”.

ADVERTISING
 
” Si Boss Vic (del Rosario) ang nag-bridge sa amin,”e ksklusibong panayam namin kay Direk Carlo recently.
 
Sa meeting nila ni Coco, kasama noon ang head ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN Kapamilya Network na si Deo Edrinal.
 
“Ilang beses din kami nag-meeting. Gusto ko kasi na may partisipasyon ako kung sino man ang artista ang gaganap sa kataunahan ni Flavio. So far, tama naman ang mga napili ko na mga artista in the past. Ang karakter ni Flavio na nasimulan ni FPJ noon na sinundan naman ni Sen. Bong (Revilla) ay hindi ako nagkamali. Sakto sila sa role ni Flavio,”  kuwento ni Direk Carlo sa amin.
 
Ang criteria ng may likha sa karakter ni Flavio mula sa komiks hanggang maging pelikula at naging serye sa telebisyon ay dapat mabait, malapit sa mga maliliit, inaapi at sa masa.”Yun ang basic qualities. Kung ano si FPJ sa totoong buhay, yun ang pag-uugali ng Flavio character ko sa Ang Panday.
 
“Kaya si Coco,siya ang perfect sa role,” kuwento pa ni Direk Carlo J. sa amin.
 
Ayon sa creator ng Ang Panday, medyo nag-level up na rin ang istorya na gagawin ni Coco. “Pero andun pa rin ýong flavor ng mga masasama na kalaban ni Flavio na nakasanayan na ng mga manonood na Pinoy.,”sabi ni Direk sa amin.
 
Naalala ni Direk noong hindi pa isang Coco Martin ang Coco Martin na kilala natin ngayon.
 
“Naging artista pa namin siya sa isa sa mga episodes namin noon sa ‘Lotto’ series na ginawa namin for PTV 4. Pati si Bela Padilla, naging artista din namin ni Donna (Villa) ang dalawa sa show,” pagkukuwento pa ni Direk sa well-loved Pinoy karakter na nilikha niya.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING