Pancho Magno, bida na serye dahil sa koneksyon?

ADVERTISING

Pancho Magno, bida na serye dahil sa koneksyon?

Pancho-MagnoAYAW ISIPIN ni Pancho Magno na magbibida na siya sa teleserye. Masaya na raw siya sa mga role na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA 7.

ADVERTISING

Napakabilis nga ng pagbulusok ni Pancho sa showbiz. Unang role na ipinagkatiwala sa kanya ay bestfriend ng bida, naging kontrabida at ngayon ay bilang isa sa leading man ni Andrea Torres sa Ang Lihim ni Annasandra.

“Masuwerte lang siguro ako na may mga role na bumabagay sa akin. Like rito sa serye namin ni Andrea, bagay sa akin ang maging kargador sa palengke. Hindi naman tayo choosy sa mga role na binibigay. Kung ano ang dumating, tanggapin natin, kasi trabaho ‘yan.

Sabi, big threat daw si Pancho sa mga budding leading men ng GMA 7 dahil anak raw ng isang TV executive kaya mas nabibigyan siya ng priority kaysa sa mga nauna pa sa kanya?

ADVERTISING

“Unfair naman para sabihin nila ‘yon. Noong pinasok ko ang trabahong ito, alam kong may ganyang mangyayaring usapan. Sinabihan na ako tungkol sa ganyan kaya may choice ako kung itutuloy ko ba o hindi. I want to prove them wrong. Kung ano ang marating ko ngayon, ‘yun ay dahil sa pagsisikap ko. Professional tayo kaya sana iyon ang makita nila sa akin,” pagtatapos ni Pancho.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING