Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa
Cristine Reyes, other woman?!

ADVERTISING

<i>Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa</i><br>Cristine Reyes, other woman?!

<i>Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa</i><br>Cristine Reyes, other woman?!GAANO KAYA katotoo ang nakarating na balita sa amin na hindi na naman daw nag-uusap ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes? Dahil ang bagong boyfriend daw ni Cristine ay ang gym trainor nito na may asawa at mga anak.

Nasulat na nang ilang beses na nakikitang sweet sa mga pagkakataon na nakikita raw na magkasama sa mga lakaran ang dalawa. Kung ang pagbabasehan daw ay ang kilos ni Cristine at ng kanyang gym trainor, maiisip mo raw na mukhang ito na nga ang ipinalit ng aktres sa dating boyfriend na si Rayver Cruz.

<i>Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa</i><br>Cristine Reyes, other woman?!Kababati lang ilang buwan ang nakalilipas pagkatapos ng ilang taon ding itinakbo ng kanilang tampuhan, kung saan nadamay pa ang iba nilang mga kapatid, usap-usapan na hindi lang daw si Ara ang ‘di makatanggap sa balitang boyfriend ni Cristine kundi ang buo nilang pamilya.

Nawa’y kung may problema man ay maresolba na agad ito ng magkapatid, dahil alam ng lahat kung gaano kabigat nila ito dinala sa mga puso nila. Sa usaping pag-ibig naman, nawa’y maisip ni Cristine na hindi sa lahat ng pagkakataon ay hindi puso ang sinusunod kundi dapat ay isip din, lalo’t kung alam mo kung may pamilya kang maaaring masira at masaktan.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING