Pamilya ni James Reid, botong-boto kay Nadine Lustre

ADVERTISING

Pamilya ni James Reid, botong-boto kay Nadine Lustre

James Reid and Nadine Lustre
James Reid and Nadine Lustre

May gaganda pa ba kay Nadine Lustre?

ADVERTISING

Una, girlfriend siya ng isa sa pinakaguwapo at pinaka-sexy na male hunk sa kasalukuyan na si James Reid.

Sa totoo lang, marami ang naiingit sa dalaga dahil inis sila at hindi sila ang napili ng binata.

Sa katunayan, marami ang nagtataka kung bakit si Nadine at hindi ang iba na nali-link kay James ang napili ng binata.

ADVERTISING

Sabi ng mga detractors at bashers ni Nadine, hindi naman daw ito kagandahan na sa totoo lang daw, mas marami ang mga baguhang artista na ‘di hamak na mas appealing kaysa kanya. Pero anong meron si Nadine para magustuhan ng binata?

Sa recent JADINE in Love World Tour, kung saan nag-show sila sa London, first time na-meet ng ina ni James si Nadine na bumiyahe pa ng London from Scotland para mapanood ang show ng kanyang anak na hindi batid ni Mrs. Maria Aprilyn Marwuinez na ganun na kasikat ang anak niya.

Sa London, nakilala ng madir ni James ang girlfriend ng anak. Sa panayam ng kaibigang Ariel Serato sa ina ni James, sinabi ng ina ng sexy hunk na botong-boto siya kay Nadine Lustre. Maging ang pamilya niya, gusto ang dalaga para sa anak niya.

Sa April 11 ay magtu-two months pa lang sina James at Nadine na ngayon pa lang ay marami nang mga nagne-nega sa relasyon nila at ayaw ng mga non-JaDine fans and supporters ang dalaga para kay James.

Pero ano ba ang magagawa ng bashers kung si James Reid ay mahal na mahal ang dalaga na kamakailan lang ay sinupalpal sa kanyang social media account ang isang baguhang manunulat na nagne-nega sa kanyang girlfriend.

Sa tipo ni James, basta gusto niya, basta mahal niya, he will fight for his love. He will fight for his girlfriend.

Sa mga fans and supporters ng JaDine, mapanonood  sa May 4 ang bagong pelikula nina James at Nadine na “This Time” from Viva Films mula sa direksyon ni Nuel Naval. Sa trailer pa lang, solved na ang mga fans nila na ikaiinggit ng bashers ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING