PAMILYA MUNA: Vice Ganda at ang simpleng regalo niya sa ina

ADVERTISING

PAMILYA MUNA: Vice Ganda at ang simpleng regalo niya sa ina

PAMILYA MUNA: Vice Ganda at ang simpleng regalo niya sa ina
Vice Ganda with his Nanay Rose, siblings and 2 pamangkin

HAPPY KAMI for Vice Ganda na ang pagsusumikap at paghihirap niya sa pagpo-promote ng kanyang MMFF 2017 entry na The Revenger Squad ay humakot ng almost 400 Million sa loob lamang ng mahigit sampung araw.

Wala man dito sa Pinas ang Unkabogable Box-Office Superstar at nasa USA para doon magbakasyon at dalawin ang kanyang Nanay Rose para makasama ito noong New Year’s Eve ay tuloy pa rin ang pagmo-monitor niya sa mga kaganapan ng pelikula niya with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Sa San Francisco, USA naka-base ang pamilya ni Vice at ang kanyang pagbabakasyon sa USA ay more of a family bonding. Less lakwatsa. Pamilya muna.

Nitong Kapaskuhan, simple lang ang regalo ni Vice sa ina. Mga damit lang ang hiling ni Nanay Rose sa anak. Sabi ni Mommy Rose, sapat na kumpleto sila kasama ang mga kapatid ni Vice.

ADVERTISING

Yes, wala pa man inilalabas na official result ang MMDA na siyang may paandar sa yearly MMFF ay happy sila dahil na-achieve na nila ang pinupuntiryang kita for this year’s Metro Manila Film Festival.

 Sa Saturday, January 6 ang biyahe pabalik ng grupo ni Vice from the US at sa pagdating nila on Monday, January 8 ay diretso si Vice from the airport sa noontime show niya na It’s Showtime sa Kapamilya Network.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING