Pamilya at manager ni Empress Shuck, ‘di boto sa lalaking nakabutis sa kanya?

Pamilya at manager ni Empress Shuck, ‘di boto sa lalaking nakabutis sa kanya?

Empress-SchuckCURIOUS, SINEARCH ng ilan naming mga katrabaho sa Startalk kung sino nga ba ang guy who got Empress Shuck pregnant.

Sa nakaraang panayam sa aktres sa Startalk by Jennylyn Mercado, nabanggit lang niya ang first name nito: Vino, isang family friend.

Our search led to a sexy photo ng half-naked na si Vino Guingona, apo ni dating Senator Teofisto Guingona, presumably taken in a summer getaway in some relaxing island sa bansa.

Guwapo, matikas at malakas ang sex appeal ng Vino na ‘yon, na noong kami mismo ang nag-search via Facebook, only his name appears, at walang ni isang larawan niya ang lumabas.

Kung si Vino Guingona nga ang lalaking nakabuntis kay Empress, there’s no denying the fact na mula ito sa isang pinagpipitaganang pamilya. Hence, our question: bakit tila lumalabas na hindi boto ang pamilya ni Empress kay Vino, maging ang manager ng aktres na si Becky Aguila isn’t in favour as well of the guy?

 

DAHIL PANAHON ng tag-init, summer-themed ang episode ng Ismol Family this Sunday. As we all know, summertime conjures up a lot of thoughts and activities tulad ng summer jobs, summer classes, summer getaways, etc.

If most people prefer going to the beaches, kakaiba ang trip ng household nina Jingo at Majay dahil busy ang buong pamilya sa pagkamot ng ulo. You heard it right: scratching their heads!

Isa kasing epidemya ang kumakalat sa bahay ng mga Ismol. Tuklasin kung sino ang carrier ng epidemic na ‘yon.

Samantala, magsa-summer class sina Yumi at Ethan! Kung sa ibang soaps sa TV, ang mga bida ang nagpapatakbo ng kuwento sa kanila, sa Ismol Family, ang mga bida ang pinaglalaruan ng mga kontrabida!

Magkamot din kaya ng ulo ang mga viewers dahil magulo ang kuwento? Well, be part of the fun and the riot sa laging inaabangang weekly episode ng Ismol Family pagkatapos ng Vampire ang Daddy ko.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III