PAMI, aaksiyunan ang reklamo laban kay Chin Chin Gutierrez! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

PAMI, aaksiyunan ang reklamo laban kay Chin Chin Gutierrez! – Gorgy’s ParkNAGKAROON NG STORY conference the other day ang bagong project na muling pagtatambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa GMA Telebabad.

This time, isang fantaserye naman na ang title ay The Last Prince. Hindi pa tiyak kung ito na talaga ang title pero obvious na si Aljur ang bida rito.

ADVERTISING

Okay lang naman ito kay Kris dahil maganda rin daw ang role niya at nakikita naman sa kuwento na silang dalawa ang lulutang at hindi lang si Aljur.

Anyway, kasama rin sa bagong fantaserye si Eula Valdez na may mahalagang papel na gagampanan.

Sa naturang story conference ay nakapanayam ng Startalk si Eula at inamin nitong matagal na silang hiwalay ng asawa niyang naka-base sa Australia.

ADVERTISING

Matagal na naming naririnig ang tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon pero iniiwasan ito ni Eula na pag-usapan.

[ad#post-ad-box]

Ngayon lang siya umamin dahil marami na kasi ang nakakikita sa kanya na may iba na siyang karelasyon na isang guwapong modelo, si Rocky Salumbides.

Bago pa si Rocky ay na-link din si Eula sa hunk model/actor na si Lauren Novero pero itinanggi ito ng aktres.

Ngayon lang siya umamin kay Rocky dahil marami na ang nakakita sa sweetness nila at isinama pa niya ito sa huling stageplay na ginawa niya, ang Flores Para Los Muertos.

Happy naman daw siya ngayon sa bagong karelasyon niya pero nilinaw nitong nanatiling magkaibigan sila ng dati niyang asawa kahit na hindi umubra ang long distance love affair nila.

Sabi kasi, kaya raw ito hiniwalayan ni Eula, e, dahil may pagkabading daw itong asawa niya pero agad naman niya itong idinenay.

Sa ngayon ay masaya raw siya sa lovelife niya pero wala pa raw sa isip niyang mag-asawa muli.

BALAK NA NGAYON ni Manay Lolit na magsampa ng reklamo sa kanilang asosasyon ng mga talent managers na PAMI dahil sa ginawa ni Chin Chin Gutierrez sa kanyang alagang si Lorna Tolentino.

Ayaw nang magsalita ni LT tungkol sa nangyaring pananakit sa kanya ni Chin Chin, nang ginawa nitong totoo ang kanilang away sa isang eksena sa Dahil May Isang Ikaw.

Ang gusto lang nitong idiin ay ang propesyunalismo sa kanilang trabaho. Kung gagawin mo ang isang fight scene, dapat na maging maingat ka na hindi makasakit nang husto sa kaeksena mo.

Napanood namin ang eksenang ‘yun na umere na nu’ng nakaraang Lunes at kitang-kita naman ang malaking singsing na suot ni Chin-Chin na lumagapak nang malakas sa mukha ni LT.

Pagkatapos ng eksena ay sinabihan talaga siya ni LT ng, “Tinira mo ang mukha ko!” Kaya naman hindi agad nakapag-sorry si Chin Chin ay dahil guilty siya sa ginawa niya.

Kitang-kita rin ang mahabang galos sa pisngi ni LT sanhi nang pagkalmot ng mahabang kuko ni Chin Chin. Muntik ding tumama ang malaking singsing na suot nito sa mata ni LT kaya sabi nga ni Manay Lolit, paano kung tumama ito sa mata at nabulag pa si LT? Paano pananagutan ni Chin Chin ang ganu’ng pangyayari ? Obvious namang gusto lang niyang manapaw ng eksena.

Ngayon ay balak ni Manay Lolit na ituloy ang pagrereklamo sa PAMI para hindi na raw ito maulit sa iba pa niyang alaga at siyempre, sa lahat ng artistang posibleng dumaan sa ganu’ng klaseng karanasan.

Mukhang aaksiyunan naman ito ng PAMI, kaya abangan na lang natin.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING