Pamamaalam ng mga Bituin

Arvin “Tado” Jimenez

Tado-Jimenez

NITO LANG Pebrero 7 ng taon nang pumanaw ang komedyanteng si Tado, o Arvin Jimenez sa toong buhay. Kabilang si Tado sa 14 na kataong agad na namatay matapos mahulog sa isang bangin ang sinasakyan nilang bus papuntang Bontoc, Mountain Province. May ilang premonisyon pa ang komedyante bago siya pumanaw. Una rito, isang araw bago bumiyahe, nag-post pa ito sa kanyang Instagram ng litrato ng isang bus na papuntang Bontoc. May nakasulat na caption na: “Long trip, as in trip trip.” Bukod pa rito, nag-post din siya ng litrato niyang nakahiga na may caption na “south or north/ cemetery?”.

 

Mark Gil

 Mark-Gil

PUMANAW NA sa edad na 52 ang beteranong aktor na si Mark Gil o Raphael Joseph Eigenmann sa tunay na buhay noong umaga ng Setyembre 1 dahil sa sakit na liver cirrhosis. Inilihim ng aktor ang kanyang sakit at ang pamilya lang nito ang nakaaalam kaya naman nabigla ang karamihan sa pagpanaw ng aktor. Kuwento naman ng anak nitong si Andi Eigenmann na iniligtas daw siya ng ispiritu ng ama dahil sa kanyang pagkahulog at sorpresang hindi siya nasaktan.

 

Tiya Pusit

Tiya-Pusit

TUMAGAL SA ospital ang kapatid ni Nova Villa na si Tiya Pusit bago pa man ito pumanaw noong Oktubre 2 dahil sa aortic aneurysm. Labis na naghirap ang komedyana sa kanyang sakit at maging sa gastos sa ospital. Dahil dito nagtakda ng fund raising para sa kanya ang ilang malalapit sa puso nito. Natuloy man ito, hindi na rin ito naabutan pa ng komedyana.

Text By Erryell Valmonte

Photos by Fernan Sucalit and Parazz WIres