‘Palitan’ actor Rash Flores inaming nakipagrelasyon sa bading

Leo Bukas

HINDI ginawang malaking isyu ng newbie actor na si Rash Flores, isa sa mga bida sa sex-drama film na Palitan, na may nakarelasyon na siyang bading noon. Very straight forward na inamin ni Rash ang tungkol dito at talagang hindi niya ito ikinahiya, huh!

Ani Rash, he was only 13 years nung magkaroon siyang dyowang bading. And during that time ay wala pa raw siyang kaalam-alam sa pakikipagrelasyon.

‘Palitan’ actor Rash Flores inaming nakipagrelasyon sa bading
Rash Flores

Kung willing ba ulit siyang makipagrelasyon sa bading a this moment, hindi rin nag-inarte si Rash sa kanyang sagot.

“Para sa akin, oo naman, open ako. Kasi nga, laking kalye rin ako. Marami akong friends na gay. May nakarelasyon din ako, once lang.

“Pero bata pa ako nu’n, eh. Parang hindi pa ako mulat sa ano. Siguro, mga 13 ako no’n,” pagbabalik-tanaw ng binata.

Dagdag pa niya, “Actually, wala kaming sex, eh. Thirteen years old pa lang kami. Then, nakarelasyon ko lang siya. One month lang kami no’n. Actually, nahuli pa nga ako ng nanay ko. Ha-ha-ha!”

Ang Palitan ay isang GL (girls love) film na idinirek ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan din nina Cara Gonzales, Jela Cuena at Luis Hontiveros. Available na ito ngayon sa Vivamax streaming platform at nasa number one spot pa.

Napanood na namin ang pelikukula sa ginanap na special screening nito sa Gateway at masasabi namin na sobrang mapanghas ang pelikula. Imagine, bukod sa girl to girl love scene nina Jela at Cara ay meron ding 2 foursome sa pelikula na talagang magpapainit sa audience.

‘Palitan’ actor Rash Flores inaming nakipagrelasyon sa bading
Rash Flores

May slight na frontal nudity si Rash sa movie pero dahil moreno ang kanyang kulay kaya hindi masyadong mapapansin. Mas noticeable yung frontal ni Luis kasi maputi siya.

Ani Rash, “Ginawa ko lahat dito. Kung anong sabihin ni Direk Brillante sinusunod ko lang.”

Bago ang Palitan ay naging part din si Rash ng sex comedy film na Pornstar 2: Pangalawang Putok na pinagbibidahan ng apat na legendary sexy stars na sina Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno at Rosanna Roces na nag-introduce din sa apat na baguhang sexy stars ng Viva.

Gagawa pa ba siya ulit ng mga sexy roles in the future?

“Sa akin kasi itong paghuhubad ay trabaho lang. Kung nire-require na maghubad ulit ako sa pelikula at kailangan sa istorya wala namang problema sa akin,” katwiran ni Rash.