PALABAS NA! Ken Chan, aminadong nahirapan sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

SA WAKAS ay palabas na ngayong Lunes ang inaabangang teleserye comeback ni Ken Chan na ‘Ang Dalawang Ikaw’. Matatandaan na napurnada ang original playdate nito dahil sa biglaang ECQ o Enhanced Community Quarantine announcement ng bansa. Dahil dito ay muling ibinalik sa ere ang seryeng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes at Lovi Poe.

PALABAS NA! Ken Chan, aminadong nahirapan sa ‘Ang Dalawang Ikaw’
Ken Chan as Nelson and Tyler in ‘Ang Dalawang Ikaw’

Reunited ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela sa ‘Ang Dalawang Ikaw’. Ito ay kuwento ng isang lalaki na may Dissociative Identity Disorder o DID. May dalawa itong personalidad.

Inamin ni Ken na ito ang pinakamahirap na papel na kanyang ginawa sa isang dekadang pananatili niya sa Kapuso network. Coming from the actor who portrayed the strong transwoman ‘Destiny Rose’ and the simple yet responsible father with autism in ‘My Special Tatay’, talagang tinodo na ni Ken ang kanyang bagong pagganap, huh! Isa lang din naman kasi siya sa very few actors na puwedeng pagkatiwalaan na gampanan ang isang challenging role.

Nabanggit din ni Ken sa virtual press conference na may pagkakataon na ‘nadadala’ niya ang kanyang karakter kahit pa tapos nang kuhanan ng eksena. Buti na lang at sinasabihan ito ng kanyang onscreen partner na si Rita Daniela at agad itong bumabalik sa realidad.

Palabas na simula ngayong June 21 ang bagong aabangang ‘Ang Dalawang Ikaw’ na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. Kasama rin dito sina Anna Vicente, Dominic Roco at Lianne Valentin. Mapanood ito pagkatapos ng Eat Bulaga.