Pakawala ng kampo ni Mr. Fu, ayaw pa ring tigilan sa panlalait ang Tween star na si Teejay Marquez!

ADVERTISING

Pakawala ng kampo ni Mr. Fu, ayaw pa ring tigilan sa panlalait ang Tween star na si Teejay Marquez!

Pakawala ng kampo ni Mr. Fu, ayaw pa ring tigilan sa panlalait ang Tween star na si Teejay Marquez!AYAW PA ring tigilan ng pakawalang tao ng kampo ni Mr. Fu ang Tween star na si Teejay Marquez at isang text ang ipinadala sa amin na may numerong 09298778453 na ayaw namang magpakilala na kesyo avid fan daw siya ni Mr. Fu at kuning-kuning, marami raw silang galit sa sinulat ko at inaaway ko raw ang komedyano/ host.

Idinamay pa nito na puro support lang daw si Teejay sa mga shows na meron ito sa Kapuso, isa na rito ang Master Showman, kung saan co-host si Teejay sa binanatan nito at wala raw viewers. Ang tanong? Hindi ba support din si Mr. Fu sa mga shows ng TV5 like Talentadong Pinoy at Paparazzi?

Alam kaya ng may-ari ng cellnumber na nabanggit na kunwa-kunwaring avid fan ni Mr. Fu na ang idolo nila ang unang nanlait sa Tween star na si Teejay? Kung hindi naman nanglait si Mr. Fu walang negating write-ups na lalabas sa kanya.

Ang problema kasi sa idolo ninyong si Mr. Fu masyadong taklesa at talak na lang ng talak na hindi inaalam kung may nasasagasaan o nasasaktan siya. Hindi naman lahat ng malalait nito ay tatahimik na lang, natural mente at ang iba ay papalag at sasagot sa mga lait niya. Masyado kasi niyang ginagamit ang kanyang radio program para manlait ng iba.

ADVERTISING

Saludo ako sa pagiging magaling na host ni Mr. Fu, pero hindi ako sang-ayon sa ginagawa niyang panlalait sa ibang artista lalo na’t wala namang ginagawang masama sa kanya. Kaya naman siguro hindi siya dapat magalit kapag siya naman ang nalalait, kasi ganu’n din naman ang ginagawa niya.

 

‘DI PA man nagsisimulang umere ang remake ng Valiente, pinagsa-sabog na ang dalawang lead actors nito na si Oyo Boy Sotto at JC De Vera sa kung sino ang mas magaling na aktor sa dalawa at mas mapapansin sa Valiente.

Pero ayon kay JC nang makausap namin, kung maaari raw ay ‘wag silang pagsabungin ni Oyo, dahil magkaiba naman daw sila ng atake ng pag-arte at pareho naman daw silang ibinigay nila ang 100% nila para magampanan nila nang buong husay ang role na ibinigay sa kanila at mapaganda ang bawat episode ng Valiente na mapapanood sa TV5.

Dagdag pa ni JC, halos lahat ng mga kasama nila sa Valiente ay magagaling daw mula kina Nadine Samonte, Niña Jose atbp. Idagdag pa raw dito ang mahusay na direktor na si Joel Lamangan na hindi papayag na hindi maganda ang bawat proyektong ginagawa nito.

 

SA JANUARY 28, 2012 na gaganapin ang mas pinalaking model search ng Psalmstre na pag-aari ng kaibigan naming si Sir Jaime Acosta, ang Mr and Ms. Olive C Campus Model Search na gaganapin sa Ynarez Stadium. Kung saan magsisilbing host si Mr. John Nite at Ms. Earth na si Jean Harn. Kung saan ang winner ay ilalaban sa Mr & Miss Teen Universe in Guatemala this coming October 2012.

Ilan sa mga kandidatong malaki ang potential na sumunod sa yapak ng  GMA-7 Tween star at Regal baby na si Hiro Magalona at Ms. Earth Water na si Muriel Orais na parehong grand winner ng Mr & Ms Olive C Campus Model search ay sina Jhay Torres, 18 years old ( Arellano University), na isang stage actor at nanga-ngarap na maging isang artista; David Horst Sommerauer, 19 (University of San Carlos), na nangangarap ding maging sikat na modelo at artista; Alexander Ewayan, 17 (San Beda College), na gustong mapasama sa Tween Hearts; Aljhon Lucas, 16 (TUMSC Taytay), na malaki ang resemblance kay Carl Guevarra at gusto ring pasukin ang showbiz.

Habang sa babae naman ay angat sina Abbygale Monderin, 19 (World Citi Colleges), na gustong maging beauty queen; Kathleen Gomez, 17 (FAITH), na pangarap maging artista at beauty queen; Mica Francesca Reyes, 20, (San Beda), na gustong maging artista; at Joane Galenzoga, 20, (Ateneo De Cagayan),  na gustong maging commercial model, beauty queen at artista.

 

FLATTERED DAW si Kristoffer Martin sa sinabi ni Direk Jay Altarejos sa presscon ng Legacy na siya ang nakikita nitong malaki ang potential na sumunod sa yapak ng mahuhusay na aktor sa telebisyon at pelikula.

Kaya naman daw mas pinag-huhusay nito ang kanyang trabaho para mas mapansin siya ng pamunuan ng GMA-7 at mabigyan ng magandang proyekto na mas magpapakita ng kanyang husay sa pag-arte.

Tsika nga ni Kristoffer, gusto niyang makasama at makatrabaho ang ilan sa mahuhusay na aktres sa bansa katulad nina Ms. Nora Aunor, Gov. Vilma Santos, Ms. Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Sunshine Dizon, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING