PAK HUMOR! Ogie Diaz, happy sa mga surprise birthday bash

ADVERTISING

PAK HUMOR! Ogie Diaz, happy sa mga surprise birthday bash

PAK HUMOR! Ogie Diaz, happy sa mga surprise birthday bash
Ogie Diaz and Ahwel Paz

AKALA ni Ogie Diaz ay walang magaganap sa birthday niya yesterday January 2, 2017.

Hindi niya ini-expect na magkakaroon pala ng birthday salubong ang kaibigan niya na si Jeffrey Gonzales na siyang may pakana ng lahat.

11:00PM pa lang ng January 1 ay nagtext na si Jeff kay Fernan de Guzman (aka Miss F.) na may salubong surprise for Ogie. ”Ako na ang bahala sa food at birthday balloons. See you sa harap ng house ni Ogie ng 11:30,” text niya kay Miss F.

Bago ang call time, andun na kami sa gate ng papasuking townhouse ni Ogie.

ADVERTISING

At the strike of 12 midnight ay nag-doorbell si Leklek Tumalad of Asia at binuksan ni Jeff (na nauna na na sa loob na kunwari walang alam at nakikipagtsismisan lang sa birthday celebrant) ang door at sabay-sabay kami kumanta ng birthday song na ikinagulat syempre ng “Birthday Boy”.

Fast forward, hapon ng January 2 ay may paandar muli na sorpresa for Ogie for a birthday pa-merienda surprise ni Jeff sa may birthday. Si Ogie ay naka-pambahay lang na naka-short, short at tsinelas. ”Kaloka, wala ako alam, Hindi ko alam. Nagbihis sana ako. Magme-merienda lang daw kami ng dinuguan at puto,” biro ni Ogie.

 

Sa merienda treat, dumating si Papa Ahwel Paz na kasamahan ni Ogie sa DZMM, comedienne-actress Beverley Salviejo and some personal friends of the celebrant.

Kinagabihan, tuloy-tuloy ang kasiyahan at ganap on Ogie’s birthday with a dinner birthday party for his well-wishers that evening like Nap Gutierrez and Quezon City Mayor Herbert.

Happy Birthday teh and congratulations sa success ng book mo na ‘Pak Humor’ na available sa mga National Bookstores nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING