Pagtaba ni Angel Locsin dahil sa side effect ng gamot para sa back pain

ADVERTISING
Leo Bukas

HINDI malaking isyu para sa netizens ang viral photo ng aktres na si Angel Locsin na mataba siya at halatang nag-gain ng weights. In fact, ayon sa marami, nananatiling maganda si Angel inside and out dahil mas nangingibabaw ang kabutiang loob nito na tumulong sa mga nangangailangan.

Hindi naman nagbigay ng kahit anong reaksyon si Angel sa viral photo – kung totoo nga ito o photo shop ang. Abala kasi siya sa mass testing (para sa covid-19) na ginagawa para sa mga mahihirap na kababayan. Nagte-taping din siya ng bagong programa sa Kapamilya Channel na Iba Yan.

Pagtaba ni Angel Locsin dahil sa side effect ng gamot para sa back pain
Angel Locsin

Dalawa ang posibleng dahilan ng pagtaba ni Angel. Ito ay ang kanyang masayang personal life with boyfriend Neil Arce at ang epekto or side effects ng gamot na regular niyang iniinom para sa kanyang backpain.

May mga gamot talaga na ang side effects ay nakapagpapataba. Ganito yung nangyari kay Angel. Hindi naman niya puwedeng itigil ang medication dahil yon ang advice ng kanyang doctor.

Anyway, sa naging panayam kay Angel sa naganap na virtual presscon  ng Iba Yan, ay nagbigayng reaksyon si Angel sa mga nagsasabi isa talaga siyang real life Darna na handang tumulong sa nangangailan.

ADVERTISING

Ani Angel, “Bilang ginampanan ko si Darna, at alagang alaga ako sa character ni Darna, isang malaking compliment sa akin ‘yun kasi alam ko kung gaano ka buting tao si Darna and si Narda ang hangarin nila is pure. Pero kung tutuusin, wala ako sa kalingkingan, ‘yun ‘yung reality doon.”

Matatandaan na isa si Angel sa mga gumanap sa iconic Pinay superhero sa telebisyon na tila sumasalamin sa kanyang ginagawa sa totoong buhay.

“Pero I’m very flattered kasi siguro napapanood nila ‘yung mga ginagawa kong projects pero isa lang akong simpleng tao, hindi ako bilyonaryo, hindi ako mayaman, hindi rin ako laging nauuna,” sambit niya.

Paglilinaw pa ng aktres, marami pang tao ang tulad niyang mas aktibo rin na nagbibigay tulong sa ating mga kababayan.

Pagtaba ni Angel Locsin dahil sa side effect ng gamot para sa back pain
Angel Locsin hosts ‘Iba ‘Yan!’

“Siguro, nagkakaroon lang ako ng coverage kasi kilala ka, so madalas ka napi-picturan ng tao, pero naniniwala ako na mas maraming tao ang mas active sa paligid ang hindi nabibigyan ng importance talaga, and ’yun ang gusto natin gawin sa show natin, bigyan natin ng limelight, ibida natin, ‘yung mga kakaiba ang kuwento, ‘yung kakaiba ang mga pagkatao, panahon nila ngayon so aatras po ako sa kung ano limelight na ‘yan, ibibigay natin sa kanila,” pahayag pa ng aktres.

Huling tanong namin kay Angel, saan ba nanggagaling ang kanyang passion na tumulong sa tao?

“Lumaki po akong mahirap, naranasan ko kung ano ang nararanasan nila kaya nangako ako sa sarili ko na kapag nakaluwag ako ay ibabahagi ko sa kanila kung anong makakayanan ko,” tugon sa amin ni Angel.

ADVERTISING