Pagsasama nina Nora Aunor at Vilma Santos sa Star Awards, magiging part ng showbiz history

ADVERTISING

Pagsasama nina Nora Aunor at Vilma Santos sa Star Awards, magiging part ng showbiz history

Pagsasama nina Nora Aunor at Vilma Santos sa Star Awards, magiging part ng showbiz history
Nora Aunor and Vilma Santos

MAITATALA sa kasaysayan ng showbiz ang pagsasama sa entablado sa kauna-unahang pagkakataon ni Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos sa ginanap na 33rd PMPC Star Awards  For Movies sa Resorts World Manila nu’ng Sunday night (Sept. 3).

ADVERTISING

Ang dalawang premyadong aktres ay pinara-ngalan ng PMPC bilang Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino.             

Nag-tie din sina Nora at Vilma for best actress. Winner si Vilma for her performance sa pelikulang Everything About Her at si Nora naman ay sa pelikulang Kabisera.

Hindi magkamayaw ang tilian ng mga taong nanood sa Resorts World nang makita nilang magkasama ang dalawa sa stage. Kanya-kanyang sigawan ang Nora-nians at Vilmanians.

ADVERTISING

Pero bago ang kanilang iconic moment sa Star Awards, kitang-kita sa backstage ang magiliw nilang pagkukwentuhan. Nagyakapan at nagpalitan pa sila ng cellphone numbers.

Habang ina-awardan, pinasalamatan ni Vilma ang Noranians at si Nora naman sa Vilmanians.

Bago ang natatanging pagkilala kina Nora at Vilma ay hinarana muna sila nina Cesar Montano at  Christopher de Leon.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING