Pagpayat ni Angel Locsin pinag-uusapan ng mga netizens

TRENDING si Angel Locsin kahapon, September 22, dahil sa pasabog na social media update niya where she flaunts her current sexier figure.

Hindi naman lihim sa lahat na since the pandemic started ay nag-gain ng weight ang aktres. Naging vocal din ito sa kanyang intensyon na dumaan sa isang strict diet program at ibabahagi niya ang resulta sa mga followers niya.

Pagpayat ni Angel Locsin pinag-uusapan ng mga netizens
Angel Locsin weight loss

Pag-amin ng aktres, dumaan siya sa “struggles and bumps” sa kanyang weight loss journey. Hinikayat din niya ang mga followers na huwag magpa-pressure and that they should take it in their pace.

“About my recent post that became viral, first, I want to say that knowing how to pose the right way can help you look slimmer. I think everyone who posts OOTDs or watched ‘Top Model’ knows this,”

“So for those struggling to lose that extra weight, please don’t feel pressured. I tell you that I understand that it’s not easy, having been fighting weight gain for years,” sambit ni Mrs. Arce.

Simula nang pumasok si Angel Locsin sa showbiz twenty years ago, sinubaybayan na ng fans ang kanyang journey from a promising teen star to becoming one of the top stars of the Kapuso Network. Ilang beses din niya nasungkit ang ‘Sexiest Woman in the World’ title mula sa FHM Philippines.

Dahil sa kanyang angking talento, ganda ng mukha at katawan ay naging prime leading lady ito sa GMA-7. From Mulawin to Darna to Majika to Asian Treasures ay laging may pasilip ng kaseksihan ang aktres.

Angel Locsin started gaining weight noong 2015 habang nagti-train para sa Darna: The Movie. Nagkaroon ito ng spinal injury kaya hindi na rin siya natuloy sa proyekto. Hindi na rin niya nagagawa ang mga intense fitness activities niya tulad ng weightlifting.

Just last June ay ibinahagi ni Angel na she will undergo a new diet and fitness program at hopeful ito na masosolusyonan ang kanyang weight loss goals.

Pagpayat ni Angel Locsin pinag-uusapan ng mga netizens
Angel Locsin’s tummy smiley

“Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say.” payo ng aktres.

“You are more than your weight or how you look. What’s important is how you feel and think of yourself. Shine. Don’t let the perception of others dim your light. I know you are trying. I know it’s hard. I understand,” paalala nito sa kanyang followers.

“Slowly, yes I was able to slim down—but I’m acknowledging that I’m still a work in progress. Though I feel good now. I’ve been taking care of my health and trying out something new. I will share with you my process and journey some other time, when I’m more confident na. But this is not without struggles and bumps,”

“I will not let anyone dictate my pace. But I am looking forward to what I can achieve in the next 3 months or so. Love you, fats and all.” pagtatapos nito.